0

Palamuti

Pagkakabit namin ni Kulas ng ilaw, oras na para itayo ang Christmas tree at maglagay ng mga Christmas ek-ek sa bahay. Yung ibang Christmas ek-ek di na magamit. Nabasa pala yung isang kahon at yung mga laman at nagkahalo-hao yung kulay. Kaya yun basurahan namin ang unang naglagyan ng Christmas decoration.

Taon-taon bumibili ako ng konting bagong decoration. Pang mesa, pang Christmas tree. Pero bakit kaya taon-taon parang kulang ang palamuti sa bahay? Kung si Kulas mahilig bumili ng Christmas lights, ako naman mga Christmas ek-ek. Nakakasawa kasi yung bawat pasko pare-pareho nalang ang nakikita mo. Lalo ngayon bagong lipat kami, eh di hindi na bagay yung ibang decoration. Kaya naman ng mailagay ko na sila sa kanya-kanyang lugar, parang may kulang. In short, may reason ako ngayon para mamimili [yey!].

Anyway, medyo tama si Kulas, maarte nga akong maglagay ng mga decorations. Nakailan palit, ikot, lipat ang ginawa ko sa mga gamit. Pero I have a feeling it will not end here. Kasi kung bibili ako ng bagong decoration, siguradong mag me-merry-go-round nanaman ang mga gamit sa kubo.



Kulas: Di ka pa ba tapos?
Kulasa: Konti nalang.

Kulas: Buong araw ka na 'dyan ah.
Kulasa: Eh kailangan tama yung effect.

Kulas: Effect? Ang OA mo talaga.
Kulasa: Aba, dapat yung makikita ko gusto ko yung dating.

Kulas: Kanina ka pa paikot-ikot 'dyan.
Kulasa: Kasi nga [stress on the nga]!

Kulas: Nahihilo na ko sa 'yo.
Kulasa: Over ka.

Kulas: Medyo kulang ng red yan mga dahon na yan.
Kulasa: Wala na nga akong malagay na pandagdag.

Kulas: Ayan ang dami pa 'dyan.
Kulasa: Hindi bagay.

Kulas: Anong hindi, eh yan ang magkakasama last year.
Kulasa: Last year 'yon.

Kulas: Eh ano naman?
Kulasa: Basta, hindi maganda.

Kulas: Kulang ng bola 'dyan, at dito, at dito.
Kulasa: Ano ka ba, kung kulang eh di dagdagan mo.

Kulas: Huuuu, sya-sya, mamimili na.
Kulasa: Talaga? Kelan? Bukas?

Matipid naman akong tao. Di naman ako ganoon ka ambisyoso na ubod ng ganda ng palamuti sa bahay. Ang gusto ko lang, maayos at maganda. Kayo ba?



0

Kumikutikutitap

Malamig na dito sa atin. Iba na ang simoy ng hangin. Malapit na talaga ang pasko. Kayo ba ay maaga magtayo ng Christmas tree? May mga nakakabit na bang mga Christmas lights sa inyong mga bahay? Si Kulas September pa lang atat na atat ng mag lagay ng mga abubot na pangpasko. Buti nalang at medyo napigilan ko ng kaunti. Pero pag pasok ng October, talagang nangungulit na. Napigilan ko pa din, pero itong linggong ito, wala na akong excuse.

Bagong lipat kami dito sa kubo namin. Excited kami pareho kasi unang pasko namin sa sarili namin bahay. Pinagusap namin kung saan itatayo yung Christmas tree, saan ilalagay yung mga ibang Christmas ek-ek.

Inunang nilabas ni Kulas yung mga ilaw at sinubukan namin sindihan. Gigil na gigil ako kay Kulas, dahil hindi maayos ang pagkakaligpit niya ng ilaw. Pareho kaming nagulat sa dami ng ilaw! Kasi naman tuwing pasko ay bumibili si Kulas ng mga ilan set. Ayun, isang buong gabi kaming nag tanggal ng mga buhol, nagpalit ng punpidong bumbilya.

Pinagpawisan yung mga nguso namin, Nangalay ang mga braso, nahilo sa pagtanggal ngbuhol. Sa wakas, nangako si Kulas na di na muna siya bibili ng Christmas lights ngayon taon [hah, you wish, pustahan pa tayo].
 

Kulas: Hoy, anong ginawaga mo dyan?
Kulasa: Nagkakabit ng ilaw.

Kulas: Ano?
Kulasa: Kinakabit ko yung ilaw, bingge!

Kulas: Bumaba ka nga 'dyan!
Kulasa: Ok lang ito, konti nalang.

Kulas: Kababaing mong tao, hala, baba.
Kulasa: Wow, how nice, caring for me.

Kulas: Gaga.
Kulasa: Hmmmm, bakit mo ko pinabababa?

Kulas: Nakakatawa kasi ang magiging itsura mo pag nalaglag ka!
Kulasa: Che! Sige nga, ikaw dito, basta ayusin mo yung pag lagay.

Kulas: Ako pa!
Kulasa: Duh! Oo, ikaw pa!
Kulas: Watch me.

Pagkatapos ng thirty minutes.

Kulasa: Kulas! Ano ba yan!
Kulas
: Bakit? Ok nga eh.

Kulasa: Ok? Ok? Eh mukhang puro letter W na dikit-dikit 'yan!
Kulas: Pwede na 'yan.

Kulasa: Yan na nga ba sinasabi ko. Ako na nga ang maglalagay.
Kulas: Ako na, sabihin mo nalang kung paano mo gusto.

Kulasa: Medyo masyadong nakakumpol yung isang yon.
Kulas: Ano, tatangalin ko?

Kulasa: Konti, tapos, ito iladlad mo.
Kulas: Ganito?

Kulasa: Yan, tapos yung isang set dito naman.
Kulas: Yan?

Kulasa: Hindi, dito - ok, yan naman dito.
Kulas: Ganito?

Kulasa: Ano ka ba naman Kulas, eh parang ubas yan.
Kulas: Eh, paano ba?

Lumipas ang halos isang oras, medyo nag iinit na pareho ang ulo namin.

Kulas: Alam mo, na ngangawit na ako.
Kulasa: Ikaw kasi, sabi ko sa iyo ako na ang malalagay eh.

Kulas: Ang dami mo kasing arte.
Kulasa: Hindi arte 'yon, mas artistic lang ako sa yo!

Kulas: 'Sya sya.

Hindi kami tumigil hanggan maikabit namin lahat ng ilaw.
Bukas, Christmas Tree naman.


0

Blackeye

Kayo ba ay nagka black eye na? Siguro dala ito ng inyong katapangan. Kayo kaya ay nakipag-away, inaway, o talagang takaw bugbog lang ang itsuraninyo?

Naranasan na ba ninyo ang timitibok-tibok na sakit at parang malalag ang inyong mata kapag kayo ay yumuyuko? Yung medyo maga ang inyong eyelids, mapula ang mata, at maitim ang paligid ng pilikmata?

Ako nakaranas na - ngayon lang. Kasi kaninang madaling araw [as in 1:44 am ng umaga!], bigla akong nagising dahil may naramdaman akong tumama sa mata ko. Aba'y kamaong ni Kulas! Ayun, sumigaw ako ng malakas at napaupo.

Napaiyak ako talaga - hindi lang sa sakit, napaiyak ako kasi hindi ako makaganti kay Kulas, dahil alam kong hindi naman niya sinasadya. Pero gustung-guto ng upakan at sipa-sipain si Kulas. Biro mo, wala akong kalaban-laban, di man lang ako nakailag.


Ngayon lang nanaginip si Kulas ng ganoon. Pati ako nagtaka. Pero ngayon umaga, tipo bang gusto kong abangan matulog si Kulas at kunyari ako naman ang nananaginip.

Kulas: Good morning. Kumusta ka na? [pa kiss-kiss pa si ungasis]
Kulasa: Che!

Kulas
: Uyyy, galit pa siya.

Kulasa
: Bakit naman ako matutuwa sa iyo?

Kulas: Ikaw naman, di ko naman sinasadya 'yon.

Kulasa: Eh bakit ka ba nanuntok kagabi?

Kulas
: Nanaginip nga ako.

Kulasa: Na ikaw si Batman at may kalaban ka?

Kulas
: Hindi, may snatcher. Hinabol ko tapos inabutan ko.

Kulasa: Ako pala 'yung inabutan.

Kulas
: Hindi ko naman alam. Sorry talaga.

Kulasa: Buti nalang medyo pahawi ng konti.

Kulas: Patiggin nga.
Kulasa: Medyo maitim yung sa baba ng mata.

Kulas: Wag ka nalang kayang pumasok.
Kulasa: Bakit, baka sabihin nila binugbog mo ako?

Kulas: Hindi, baka akala nila may racoon sa office.
Kulasa: Excuse me, ang racoon dalawang mata ang may itim!

Kulas
: Kaya ba yan ng make-up para hindi mahalata.

Kulasa: Siguro naman.

Kulas:
Eh kung mahalata

Kulasa: Eh di sasabihin ko nakanto ako.

Kulas: Nakanto? Saan, sa mesa? Para ka naman eng-eng.
Kulasa: Eh anong gusto mong sabihin ko?

Kulas: Kung sabagay, minsan eng-eng ka naman

Kulasa: Halika nga dito at ikaw ang gagawin kong racoon!

Di naman maraming nagtanong sa office - boss ko lang at mga kasama kong mag-yosi. Sabi ko costume ko to sa Holloween. 'Di naman sila makatawa, baka sila ang umbagan ko.
0

Pagbabalik

Hay naku. Pagkatapos ng muntik na namin pagaway ni Kulas sa paglipat ng computer at pagbili ng alambre, eto, nagloko. Ewan ko ba, bigla nalang nawawala yung screen, sinusumpong. Grabeng viral infection ang nangyari sa akin laruan. As in, tipo bang batang iyak ng iyak na hindi mo maintindihan kung ano ang masakit. Ilan araw ko din pinagtiyagaan. Minsan inis na inis na ako at hindi ko talaga makita kung saan nagtatago yung virus. Hanggan isang araw iniwan ko siya dahil hindi ko na talaga malaman kung ano ang gagawin. Yung bang panahon na gusto mong sipa-sipain yung laruan mo kasi hindi talaga gumagana.

Muntik na akong umayaw talaga. Buti nalang andyan yung akin utol si Indio. Magaling siya - agaling mang asar. Kaya sinubukan ko ulit at hindi ko tinigilan. He he, hindi lang antibiotic ang tumama sa virus, samahan mo na ng injection at bakuna. Sana naman pag sininat ulit itong laruan ko eh hindi na mag kukumbulsyon! Subukan lang niya, hindi ko siya dadalin sa ospital, sa junk shop ang tuloy niya!

Kulas: Kuls, anong ginawa mo sa computer?
Kulasa: Bakit?

Kulas: May topak.
Kulasa: Anong topak?

Kulas: Parang ikaw, hindi maintindihan ang gustong gawin.
Kulasa: Patingin nga [nag-check ng screen] - Naku, ano yan!

Kulas: Malay ko, kung ano-ano kasi ang pinaglalagay mo 'dyan.
Kulasa: May virus daw, i-scan mo nga.

Kulas: Nag scan na ako pero ganito pa din.
Kulasa: Ano pa ginawa mo?

Kulas: Wala, upakan mo pa ko. [with matching taas ng kilay]
Kulasa: Siguro kung saan-saan ka na naman na surf.

Kulas: Paano nga ako mag-su-surf, eh nag-shu-shut down itong mag-isa.
Kulasa: Nyeta, anong gagawin natin..

Kulas: Natin? Ikaw ang mag ayos nito, baka may ibintang ka sa akin!
Kulasa: Over ka, hindi naman ako ganoon.

Kulas: Really? [hindi siya sarcastic ano?]

Pagkatapos ng ilang lingo.

Kulas: O ano na? Sira pa ba yan?
Kulasa: Ewan ko ba. Ginawa ko na lahat ng alam ko, ganoon pa din.

Kulas: Tawagan mo si Indio, baka maykatulong.
Kulasa: Ayoko, sasabihin lang noon eng-eng ako.

Kulas: Ayaw mo wag, hindi mo magagamit 'yan
Kulas: O bakit mukhang Biyernes Santo ang nguso mo.

Kulasa: Tinawagan ko si Indio.
Kulas: Ano sabi?

Kulasa: Wala.
Kulas: Wala? 'Di nga, anong sinabi.

Kulasa: Wala nga, pinagtawanan lang ako!
Kulas: 'Yun lang pikon ka na. [tatawa-tawa pa!]

Kulasa: Isa ka pa, baka ibato ko ito sa iyo.
Kulas: Wag naman, wala kang pamalit 'dyan.

Kulasa: Grrrrrr. Basta hindi ko to titigilan hanggan maayos ko ito.
Kulas: Sige, husayan mo. Bibilib ako sa iyo pag naayos mo 'yan.

Ngayon ---- bilib na yata sa akin si Kulas.




Back to Top