Bossing

Hay naku, dadating na ang aking magiging bagong boss. Tapos na ang term ng current kong amo kaya fly na siya siya ulit sa US. Maraming nagsasabi na okay katrabaho itong bagong kong amo. Kung sabagay, sa trabaho ko di naman ako pwedeng mamili ng boss.

Yung una kong boss na foreigner ay americano, pero tubong Cuba. Mainggay at masaya. Mahilig mang-asar, yung bang tipong nakikipag lokohan sa mga tao. Yung amo ko naman ngayon, laking England. Ah yes, he's so bloody proper. Pero cool. Di kasing inggay ng dating kong bossing, pero makwento. Pag kausap ko nga parang si 007 ang kaharap ko.

Ito kayang bago kong bossing? Sa picture ko pa lang nakita. Mukhang tamapang at palaban.
So far maswerte naman ako sa mga nagging boss ko. Kasundo ko silang lahat. Hayaan ninyo, ikwe-kwento ko nalang sa inyo in the coming months.



Kulasa: Bago na magiging bossing ko.
Kulas: Hanggang kelan si Briton?
Kulasa: Pauwi na bago mag Mayo.
Kulas: Naku, kailangan magkaroon ng farewell party.
Kulasa: Oo nga, imbitahin natin ulit yung mga makukulit.
Kulas: Tapos lalasingin nyo nanaman.

Kulasa: Oy sobra ka, kagagawan niya yon.
Kulas: Bakit siya, tagayan 'nyo ba naman ng napakadami.
Kulasa: Aba, matanda ng siya, alam na dapat niya ang kaniyang limit.
Kulas: Ewan.

Kulasa: Bakit may driver naman siya ah.
Kulas: Sabagay, enjoy naman siya sa pag kanta.
Kulasa: Siyempre, at nagustuhan pa niya ang pagkain noon.

Kulas
: Ano naman balak ninyo ihanda?

Kulasa: Ewan, pakainin ko kaya ng balut?
Kulas: Balut? Sira ka ba?
Kulasa: Aalis nalang siya di pa siya natikim noon.
Kulas: Wag naman, maawa naman kayo sa tao.

Kulasa: Grabe ka, ano naman akala mo sa akin?
Kulas: Sira ulo.
Kulasa: Ito naman nagloloko lang, masyado kang serious.

Kulas: Kung ako sa inyo, imbitahin ninyo yun bago mong amo.
Kulasa: Ano ka, bago lang yon baka mabigla sa amin.
Kulas: Kita mo na, may takot din pala kayo.

Hindi naman grade yung mga kasamahan ko sa office. Magkakasundong kumain, uminom (in moderation ha), atsiyempre mag yosi. Nakakapagtaka nga, kasi itong boss ko ngayon hindi nag yo-yosi, pero gusto niyang kaming kasama. Hindi siya natatakot sa second hand smoke. Siguro feeling niya bata siya pag kasama niya kami.
Back to Top