Katrina

Buong mundo ay nagulat sa nangyari sa America.  Tinamaan ng ubod ng lakas na bagyo ang Louisiana at grabe ang pinsala na iniwan.  Lubog sa tubig, sira ang mga bahay.  Maraming nawalan ng tahanan.  Kahit anong bilis ng tulong na dumadating  hindi pa din nila kayang sagipin ng maaga ang ibang tao.


Nakakapanlabot panoorin ang mga naganap doon.  Nakakaiyak, nakakapanghinayang.  Hindi natin maisip kung gaanon kalaking halaga ang kailangan para bumangon ulit sila.

Lahat tayo ngayon ay nakikinig sa mga balita.  May mga masasayang kwento pero marami din ang malungkot.  Sa mga ganitong panahon, parang nakakaisa ang buong mundo.

We may not be able to go and help personally but I am a firm believer in the power of prayers. Isang simpleng dasal lang na naggagaling sa puso ang kailangan.
Back to Top