2006!



Manigong Bagong Taon!


Blessing

Tapos na ang Pasko.  Tapos na ang mga Christmas reunion at bigayan ng regalo.  Busog ang puso, busog ang tiyan.   

Ang isang problema during these times ay ang pagkarami-raming pagkain.  Hindi lang kasi yung mga niluto mo ang itatago, pati na din yung mga regalong pagkain. 

Hindi kalakihan ang ref namin,  Dalawa lang kami ni Kulas sa bahay aanhin namin ang pagkalaki-laking refrigerator?  Isa pa, malakas sa kuryente ang mga iyon.

Anyway, ito nanaman ang usual na bigayan ng mga sari-saring  pagkain from our friendly neighborhood.  As in halos maubos ang mga tupperware at ibang plastic na lalagyan ko.  Pagbukas mo pa lang nga refrigerator busog ka na. Nakaka-guilty naman na itapon, kasi nga naman pinagpaguran ito ng nagluto.

So anong pinakamagandang gawin sa mga over-flowing blessings?  


Kulas:   O bakit nanaman nakabushangot yan mukha mo?
Kulasa:  Eh kasi tignan mo yung ref, sobrang dami ng laman.

Kulas:  Ayaw mo 'yon, ibig sabihin madami kang blessing na na receive?
Kulasa:  Blessing nga, Eh paano naman natin uubusin ang blessing na iyan aber?

Kulas:  Ito naman parang ang laki ng problema sa buhay.
Kulasa:  Eh paano nga, mabubuluok lang ang iba diyan.

Kulas:  Sabagay, i-share nalang natin.
Kulasa:  Share? Sira ka ba, eh baka mabigay mo pa doon sa nagbigay, kakahiya!

Kulas:  Dalhin mo nalang sa office.
Kulasa:  Ano ka, baka di masarap ako pa ang mapintasan.

Kulas:   Eh anong balak mong gawin?
Kulasa:  Ewan.


Kulas:  Naku ha wag mong itatapon masama 'yon?
Kulasa:  Bakit ko naman itatapon? 


Kulas:  Eh anong nga gagawin natin?
Kulasa:  Esep-esep muna.

In short, di namin itinapon, di ko din dinala sa office, ilan lang ang aming nakain, pero naubos.  Walang nasayang, at pag timungin ka sa tabi-tabi matutuwa ka at nagtataban ang mga pusa.  Bless na bless sila.

Pasko 2005






Maligayang Pasko!



Kris Kringle

Pasko nanaman o kay tulin ng araw(napakanta ka ano?). Totoo naman, ang bilis ng panahon. Ilan araw nalang pasko na ulit. Panahon ng reunion at exchange gifts.

Uso na din ang kris kringle. Teka, bakit nga ba nagiba ang pangalan nito? Dati monito monita ang tawag dito, ngayon sosy na ang tawag sa kanya. Iba talaga ang influence ng mga dayuhan - kris kringle.

Ano man ang itawag dito, ganoon din ang intention. Bubunot ka ng pangalan na magiging anak-anakan mo ng ilan araw. Bibigyan mo siya ng regalo, minsan sa isang linggo may theme. Something red, something hard, mga kaek-ekan ng marami.

Magmula ng naglaro ako nito tinitignan ko ang mga reaction ng mga bumunot. Tapos tinatandaan ko kung sino ang parang may ayaw sa nabunot niya. Taray ano? Pagdating ng revelation, kilala ko tuloy kung sino ang hindi niya type. Usisera pa ako at titignan ko kung anong regalo ang binigay. Yung iba naman ok lang ang regalo, yung iba, well parang re-cycled. Di ba nakakainis yung ganoon. Parang ang sarap ibuking at ipaalala yung reaction nila. Grrrrrr.

Bakit ba sumasali sa ganitong palaro yung mga taong may hindi pala gusto sa grupo. Sana hindi nalang sila sumali at magbigay nalang sila ng regalo kung kanino nila gusto, Di naman sila pinipilit eh.

Lalo naman nakakainis yung sumali tapos hindi nagbibigay ng gifts sa takdang oras. Yung bang lahat kayo mayroon na yung iba wala pa. Dapat yung mga kuripot na tao wag nag pilitin. Ang dapat sa kanila magsama-sama para lahat sila-sila nalang ang walang regalo.

Maganda sana kung masaya lahat, pero mayroon talagang ibang taong hindi mo alam kung dala lang ng kakunatan nila o talagang galit lang sa pasko. Dapat sa kanila magsama-sama at itapon sa ibang planeta.





Kulas:   Ano, aalis ba tayo?
Kulasa:  Saan tayo pupunta?.

Kulas:  O, 'di ba sabi mo bibili ka ng regalo para sa baby mo?
Kulasa:  Ay naku, wala ako sa mood.

Kulas:  Ay sus, bakit nanaman.
Kulasa:  Eh paano, kailangan daw pati yung mommy mo bibigyan na regalo.

Kulas:  So?
Kulasa:  So? So? Sobra kasing kunat ng mommy ko!

Kulas:  He he he - wala kang natanggap sa weekly ano?
Kulasa:  As in, kahit na nga bula wala!

Kulas:  Wag kang ganyan, hindi maganda 'yan.
Kulasa:  Sus, nag mala-martyr ka nanaman.

Kulas:  Eh 'di wag mong bigyan kung ayaw mo.
Kulasa:  'Yun na nga, nakakahiya naman kung wala akong bibigay.

Kulas:  O 'di bigyan mo.
Kulasa:  Eh wala nga siyang binibigay sa akin!

Kulas:  Eh ano ba gusto mo talaga?  Ang gulo mo!
Kulasa:  Hindi ako magulo, yung mommy ko ang panggulo.

Kulas:  Ganito nalang, buili ka tapos think-think ka nalang kung bibigay mo sa revelation.
Kulasa:  Parang nakakahiya kasi kung wala akong ibibigay.

Kulas:  Ay naku, kung yan lang pino-problema mo, di ka nalang sana sumali.
Kulasa:  Excuse me, hindi naman ako ganoon ano?

Kulas:  Bakit, magkano ba dapat yung regalo?
Kulasa:  200.

Kulas:  Ano ka ba naman.  Kung ako sa iyo bibigyan ko nalang, pang-pa-guilty ba.
Kulasa:  Sige na nga. Bigyan ko nalang siya ng magagamit sa bahay.

Kulas:  'Yan... teka anong balak mong bigay [complete with the looking suspicious tinggin]
Kulasa:  Well, madami naman mabibili sa 200.

Kulas:  Tulad ng?
Kulasa:  Toilet paper, detergent, basahan, o kaya kili-kiliong asin.

In short, bumili din ako ng regalo.  Pero 'di ko nalang sasabihin kasi baka mabasa pa niya ito at sabihin starring pa siya dito.

SEA Games


Ang husay ng atletang Pilipino.  
Nagbunga lahat ng hirap. 
 Ipinagmamalaki namin kayong lahat!







Something

Hindi ako masyadong nakaka-update dito.  Madami kasi akong ginagawa. Hindi pala lokohan ang mag blog, kasi nakakakurta din pala ng utak mag isip ng isusulat.  

Ayoko naman ilagay lahat ng nagyayarii sa buhay ko dito.  Di naman ako artista o sikat na tao para paka interesan ng madla.  Para wag lang akong mapuna ni Kulas napilitan tuloy akong mag post.

Anyway, so far buhay pa naan kami.  Humihinga at nagkukulitan pa din.  Minsan nga may gusto akong isulat dito pero naisip ko, medyo personal na 'ata at di maganda.  Ayaw ko kasing isalaysay ang buong buhay ko at baka di na ako respetuhin ng mga kamag-anak ko (as if alam nila na may blog ako - he he he).

So in the keeping with my promise to try and post something here it is.....

SOMETHING.

Gets 'nyo?

Kulas:  O 'bat nakabusangot nanaman yan mukha mo?
Kulasa:  Eh kasi wala di ko pa na u-update yung blog ko.

Kulas:  Dahil lang doon aburido ka na?
Kulasa:  Gusto ko kasi may laman siyang bago.

Kulas:  Ay sus, parang may nagbabasa naman.
Kulasa:  Kahit na wala, gusto ko lang.

Kulas:  Dapat ba eveyday mayroon?
Kulasa:  Hindi naman, kahit na once a week.

Kulas:  Ay ewan, pwede naman once a month 'di ba?
Kulasa:  Pwede, pero parang pangit.

Kulas:  Mas pangit ang mukha mo pag nakakunot 'yan noo mo.
Kulasa:  Bwisit.

Kulas:  Ay naku, mag lagay ka nalang ng kahit ano.
Kulasa:  Ano nga.

Kulas:  Kahit ano, just write something.
Kulasa(KACHING!)  Thank you, thank you, ang galing mo talaga.

Ang sama ng tingin ni Kulas, parang nakakita ng isang lukring sa bahay.



Halloween

Bakit ba biglang nauso ang Halloween sa Pinas.  Noon bata ako wala naman ganito.  Dati gustong-gusto kong mag trick or treat pero wala naman magbibigay ng candy.  Mapapagkamalan ka pang may topak pag naka costume ka.  Pero ngayon kaliwa't kanan na yung mga lugar na may trick or treat. Napaka swerte ng mga bata ngayon, malas naman ng mga magulang kasi panibagong gastos.

Pero sa totoo lang, nakakatuwang tignan ang mga batang naka-costume.  Karamihan mga multo, may fairy, may super hero, may princess.  Lakad ng lakad para humingi ng candy. Isang tropang ng mga bubwit na pagkaiingay pero napalkasaya.

Dito sa munting bukid namin uso na din ang trick or treat.  Hindi naman pihikan ang mga bata.  Unahan lang sila sa pagkuha ng mga candy.  Pero hindi ito pwede dito sa kubo.  Alam nila na kapag gusto nilang makakuha ng bag pipila sila - as in one line.  At di lang iyon, dapat behave sila, walang maguunahan at walang singitan.

Hindi naman sila takot sa amin ni Kulas.  Madalas nga nakatambay ang sangkatutak na bubwit dito sa amin.  Nakikipag kwentuhan, nilalaro yung mga aso.  Pero alam nila na kapag hindi sila behave - wala silang mahihita.

Kaya naman pag halloween namimili ako ng masarap at di kamahalan candy na ipapamigay.  Nakasupot na ito para walang lamangan.  Ang nakakinis lang, may mga di namin kilalang mga batang pupunta din sa bahay.  Ewan ko ba, di naman naka-costume ay trick or treat daw.  Pero mga bata sila, so bibigyan mo din - in the spirit of the spirits ba. 

Kaya this year pinaghandaan ko na ito.  Di naman ako namimili ng pagbibigyan, yun lang nga, may ibang supot para sa kanila.  Yung masarap ang laman sa mga nag take time para mag costume, yung iba naman na parang bibili lang ng suka, yung regular lang. At least may dala sila pauwi dahil nag effort din silang kumatok.





Kulasa:  Kakainis talaga!
Kulas:  O bakit nanaman.

Kulasa:  Naubusan ako ng candy.
Kulas:  Ang dami noon ah.

Kulasa:  Oo nga, ang dami din kasing dumating eh.
Kulas:  Ikaw naman, mga bata 'yon.

Kulasa:  Oo nga, pero yung ibang kapit bubwit natin hindi ko na nabigyan.
Kulas:  Bakit?

Kulasa:  Naubos nga, may mga foreigners (as in hindi namin kilala).
Kulas:  Ay sus naman ito, eh mga bata iyan.

Kulasa:  Ang kapal kasi, trick or treat daw pero di naman naka costume.
Kulas:  Sus, iyon lang.

Kulasa:  Trick or treat ito, hindi caroling.
Kulas:  Malay mo naman baka naka-costume nga iyon.

Kulasa:  Anong costume?  Eh parang inutusan lang naki trick or treat na!
Kulas:  Sira, ang tawag sa mga iyon - laman lupa.

Kulasa:  Ah ganoon, pwes next year ibabaon ko sila.
Kulas:  Pikon! Next year bumili ka nalang ng mas maraming candy.



Calendar

Lahat ng bahay may kalindaryo.  Sari-saring klase, may pang desk, may pang kwuarto, may pang kusina.  Madaming gamit ang kalindaryo at una na dito ay para alam natin kung anong petsa at araw na. Pero naisip na ba ninyo na hindi lang ito ang gamit ng kalindaryo?  Napaka useful pala niyang item sa bahay.

Sinusultan ng mga paalala tulad ng kung sino ang tatanda, kung kailan pupunta sa doctor, kailan bibili ng gasul.  Ginagamit na pang lining ng mga cabinet, lalo na kung makintab ang papel. Minsan ginagamit na starter pag magiihaw, minsan naman pangsindi ng kalan.  


Ginagamit na pambalot ng mga bituka ng isda bago itapon sa basurahan o kaya last resort na patungan ng ulam sa kotse (that is kung walang peryodiko).

Pag maganda ang picture, ginugupit ito at i-papa frame - viola, may pansabit na sa salas! Pwede din itong pambalot ng regalo (o 'di ba, tipin ka na, cute pa ang pambalot mo).

Ibat-iba ang mga kalindaryo natatanggap natin, kadalasan pag Pasko.  Yung lang talagang maarte ang bumibili ng kalindaryo (di kasama dito yung bumuli para ipang regalo ha).  Libre na nga bibili ka pa, hello?

Iba-iba din ang type natin kalindaryo.  Yung iba gusto maliit lang para ipatong sa mesa nila sa office.  Yung iba gusto maganda ang pictures, well depende ito sa taste ng tao.  Mayroon may gusto ng picture ng bulaklak, picture ng mga famous na paintings, pero yung ibang kilala ko gusto picture ng mga chika babes na halos hubo't hubad (ooo la la, ang laki siguro ng problema nila).

Karamihan sa atin gusto yung mga malalaking kalindaryo na galing sa isang hardware.  Yung bang saksakan ng lapad ng petsa na pwede mong sulatan.  May mga extra ang mga kalindaryong ganito, malibang sa petsa at araw, may nakalagay kung ano phase ng moon, kung low tide o high tide.

Mayroon din iba nakalagay kung sinong santo ang feast day sa araw na iyon. Maraming mga tamad na magulang diyan.  Imbis na magisip ng pangalan ng mga anak nila ay ipapangalan nalang ang bata sa santo para sa araw na iyon. Madami akong kilalalang minalas dahil sa kagagawan na ganito, ang baho ng pangalan nila.

Kayo, ilang ang kalindaryo ninyo sa bahay?  Malamang hindi lang tatlo ang nakakalat.  Pupusta din ako na madalas ninyong makalimutan palitan or pinutin ang nakalipas na buwan.  


Kulasa:  Kailang nga ba yung kasal?
Kulas: Sa 11th.

Kulasa:  11... naku di ata ako makakasama.
Kulas:  At bakit?

Kulasa:  Di ako pwede mag leave.
Kulas:  Leave?  Eh Linggo iyon.

Kulasa:  Linggo?  Wednesday kaya.
Kulas:  Wednesday?  Magisip ka nga.

Kulasa:  Anong iisipin?
Kulas:  Sino naman ang guston ikasal ng Wednesday?

Kulasa:  Eh Wednesday po ang 11th.
Kulas:  Hindi, Sunday iyon.

Kulasa:  Ito o, Wednesday, Wednesday! (sabay bigay ng calendar kay Kulas)
Kulas:  Ah, Wednesday nga.

Kulasa:  See.
Kulas:  Wednesday nga... noon July.

Kulasa:  Anong July?
Kulas:  Ay sus (sabay punit ng kalindaryo).  Eto, Sunday na.
Kulasa:  Ay, Sunday nga.


Tawa tawa kayo diyan.  Pupusta ako may ilan diyan hindi din updated ang calendar.







Pangarap

Anong gusto mo maging pag laki mo?  Lahat tayo ay natanong na nito.  Maliliit pa tayo at wala pang kamalay-malay sa mundo sinagot naman natin. Kung babalikan natin ang nakaraan, sigurado akong either mapapangiti ka, matatawa o ikahihiya mo ang mga naging sagot mo sa tanong na ito. 

Gusto kong maala-ala ang lahat ng aking naisagot sa tanong na ito,  pero try ko man isipin aaminin ko yung iba hindi ko na natandaan, pero may mga sagot akong di ko malilimutan.  Pipili lang ako noon mga nakakatawa at nakakahiya kasi ito lang ang gusto kong ipaalam at aminin na minsan kong sinabi.

Mga nakakatawang sagot:

Mayaman (sino ba naman ang hindi gusto ito? Aminin)
Mapayat (well, lately lang ito)
Mataba (minsan nagiging totoo ang pangarap $#@!)

Personal Shopper (para masarap ng mahirap)
Stewardess (gusto ko kasing mag travel ng libre)

Mga nakakahiyang sagot:

Presidente ng Pilipinas (kasi inis ako noon)
Detective (kakabasa ng Nancy Drew)
Batgirl (kakapanood ng Batman)
Artista ('di nga, pero ayoko ng intriga)
Barbie (madami kasi siyang damit at sexy)
Ms. Universe (ok fine, hindi ito pangarap, ilusyon ang tawag dito)



Kulasa:  Kulas, noon bata ka anong gusto mong maging?
Kulas:  Bakit?

Kulasa:  Wala lang, naitanong lang?
Kulas:  Dati gusto kong maging superhero.

Kulasa:  Sino?
Kulas:  Basta.

Kulasa:  Sino nga, ang corny mo naman.
Kulas:  Wag nalang, nakakahiya.

Kulasa:  Sino nga! Bata ka pa naman noon eh.
Kulas.  Wag na lang nga eh, ang kulit!

Kulasa:  Si Superman ano?
Kulas:  Hindi. Basta.

Kulasa:  Ano ka ba, sino nga, ako lang naman sasabihan mo eh.
Kulas:  Ano ka ba, para kang sira.

Kulasa:  Kakainis ka naman, sino na?
Kulas:  Si Batman... satisfied? (ahem, hindi ako tumawa)

Kulas:  O bakit natahimik ka.
Kulasa:  Kasi, noon maliit ako gusto ko maging si Batgirl.

Kulas:  Niloloko mo ako eh.
Kulasa:  Di nga, lagi akong nanood ng Batman.

Kulas:  Talaga?
Kulasa:  Oo, crush ko kasi noon si Robin.

Kulas:  Eh bakit gusto mo maging Batgirl eh si Robin naman pala crush mo.
Kulasa: Wala kas ka-love team si Robin eh.

Kulas: Eh bakit hindi si Supergirl o si Wonder Woman?.
Kulasa: Ewan, basta si Batgirl ang gusto ko.

Kulas: Kakaiba ka naman, Batgirl.
Kulasa:  Actually, bago si Batgirl, gusto ko maging Ms. Universe.

Kulas: Ano kamo? (bakit kaya ganoon ang tingin niya sa akin).
Kulasa:  O bakit, nakakatawa ba?(sabay pa-posing effect)

Kulas: Hindi nakakaridi!
Kulasa:  Che!





.

Patotot


Madami siguro ang nagbabasa nito ay hindi umabot sa panahon under Martial Law ang Pilipina. Yun naman nakaka-relate dito, umamin na kayo, tayo-tayo lang naman eh.

Bata pa ako noon (well, medyo), tapos nagkakagulo sa village namin.  Nag uusap-usap ang mga fathers and mothers sa kalye at seryoso sila.  Di naman namin maintindihan kung bakit sila parang kinakabahan.  Ang natatandaan ko ay masaya aking magkakapatid dahil walang pasok. 

Isa sa mga hindi ko malimutan noon may Martial Law pa ay yung mga taong nagbubunot ng damo sa gitna ng ESDA (yup, may island pa noon sa EDSA).  Sabi ni Erpat yung daw ang  mga nahuhuling nag jay walking.  Parusa sa kanila iyon dahil hindi sila tumawid sa tamang tawiran.

Buti pa noon medyo tumino ang mga tao.  At least hindi sila nakikipag patintero sa nga jeep at bus, di tulad ngayon.  May mga overpass na ngang pwedeng tawiran, pilit pa din sa daan tumawid.  Pagnasagasan ikaw pa ang may kasalanan.  Ang tititgas ng ulo ng ibang tao, talaga naman ang sarap nilang ibitin sa puno.

Businahan mo, ang sama ng tigin sa iyo.  Yung iba lalo pang babagalan ang pagtawid.  Di ba nakakaasar talaga?  Kung ako lang ang masusunod gusto kong bigyan ng lesson ang mga pasaway na ito. 

1.  Walisin ang runway ng NAIA - gamit ay tootbrush.

2.  Palakarin ang haba ng ESDA - na naka paa.
3.  Pintahan ang tren ng LRT - habang ito ay umaandar.
4.  Painumin ng 10 pitchel ng tubig - galing sa Manila Bay
5.  Busugin at pasakayin sa Anchor-Away sa Enchanted - ng 3 oras.

Ewan ko lang kung hindi pa naman tumino ang mga patotot na ito.



Takot

Mayroon ba kayong kinatatakutan? Tawag ng iba dito ay phobia.  Bakit tayo nagkaka-phobia?  Eh kung alam ang sagot eh di sana wala na akong kinatatakutan.  

Marami akong kilala na takot sa ahas, daga, at ipis.  Mayroon akong kilala takot sa pusa, takot sa aso (kahit ako matatakot lalo na kung nag aala-Cujo ang walang hiya - sa mga di kilala si Cujo, manong i-google nalang ninyo).  Pati nga tao kinatatakutan minsan.

May mga kilala naman akong may kakaibang takot.  May takot sa uod, may takot sa kuko - hindi yung nakakabit sa kamay, yung bang pira-pirasong kukong bagong putol.  Ang ibang tao painagtatawanan ang isang may phobia, akala mo wala silang kinatatakutan.  Hindi ko maintindihan kung bakit sila natatawa, eh pare-pareho lang naman tayo ng nararamdaman kapag papalapit ang bagay na ating kinatatakutan.

Lumalamig ang buong katawan, para kang lumulutang, imiikot ang buong paligid, bumabaligtad ang tiyan, pinapawisan at gustong sumigaw (well, yung iba talagang sumisigaw at kumakaripas ng takbo).  Literal na nanginginig at napapaluha.  Hindi ba ninyo nararamdaman ito?

Ganito ang nangyayari sa akin kapag nakakakita ako ng ibon.  Kahit anong klase.  Iniiwasan ko sila, kahit sila ay nakakulong.  Pero pinakatakot ako sa manok.  Oo, manok, as in chicken, tumitilaok man siya o hindi.  May balahibo man o wala.  Sisiw man o mother hen, ayoko.  Di ko sila gusto.  Ang gusto ko sumigaw ng Darna kapag papalapit sila.

Alam ko ang iba sa inyo nagtataka at napapangiti.  Wala akong magagawa, sorry, pero hindi ko talaga kayang hawakan o tignan man lang ang manok.  Siguro kung gusto ninyo akong i-torture ay ilagay ako sa isang kwuartong puno ng manok.  Sigurado pag labas ko sa kulungan ako didirecho.  Kasi ang taong gagawa sa akin nito ay siguradong aking papatayin.

Kaya naman hindi ako masyadong nagluluto ng mga putaheng manok.  Kung breast fillet na walang balat pwede pa pero hindi ko ito hahawakan ng walang balot ang aking mga kamay.  Pag tumutulong akong mag luto ng chicken wings dapat may gamit akong tongs kung wala -  magutom ka.  So kung gustong kumain ni Kulas ng manok (favorite pa naman niya ito), siya ang nagluluto.

Pero okay naman ako kapag luto na ang manok. Dito hindi ako takot.  Atay at balun-balunan kinakain ko pero hindi chicken feet, chicken butt, lalung-lalo na yung ulo (inay ko po).  Sa totoo lang addict ako sa proven (proben? - basta iyon).  Hindi kasi siya mukhang chicken, muka siyang cure na fishballs na malutong.  Masabi sa akin kung saan galing ang proven pero wala akong balak alamin kung totoo ito o hindi. 

Kayo, saan kayo takot?  Kung sasabihin ninyo sa akin na wala kayong kinatatakutan isa lang ang masasabi ko pabalik - sinungaling ka.





Kulas:  Gusto mo chicken?
Kulasa:  Ikaw magluluto?

Kulas:  Oo, gusto mo?
Kulasa:  Anong luto gagawin mo?

Kulas:  Pwede fried chicken, pwede adobo.
Kulasa:  Pwede chicken wings?

Kuas:  Pwede tinola, pwede nilaga?
Kulasa:  Pwede chicken wings?

Kulas:  Pwede roast, pwede ......
Kulasa:  PWEDE CHICKEN WING???!!!

Kulas:  Hindi pwede.
Kulasa:  Bakit?

Kulas:  Dalawa lang kasi ang pakpak ng binili mong manok! (ngyek, buong chicken pala.)
Back to Top