0

Cheers

Pareho kami ni Kulas na takot sa paputok. Hindi kami bumibili ng mga 5-star, pla-pla, kwitis at kung ano-ano pa. Ayaw namin na sa ospital mag new year. Aba, baka minsan ka lang nga mapanood ng mga kaibigan mo sa TV eh nguma ngawngaw ka at pilipit ang nguso.

Kahit naman hindi kami nagpapaputok, bumibili kami ng mga pa-ilaw. Yung iba may konting paputok pero hindi kasing delikado. Naka kahon yon at mahaba ang mitsa. Hindi nakakatakot.

Noon unang New Year namin together, bumili ako ng sawa, dalawang tig-1000 rounds. Akala ko mahilig si Kulas. Yun pala takot din pala. Pero dahil may kamahalan at nakaka panghinayang sinindihan namin. Ayun, kulang nalang akyatan namin ang isa't-isa, napatakbo pa kami paloob ng bahay dahil biglang papunta sa amin yung whistle bomb sa dulo. Mula noon, natuto na kami.

Ngayon taon, bumili kami ng mga fountain at iba't-ibang klaseng pa-ilaw. Pagkatapos, umakyat kami sa bubong at doon namin pinagpatuloy ang celebration. Doon kasi sa may kubo namin, kitang-kita mo ang mga katabi namin barangay - ang barangay Ayala Alabang. Kaya naman ng magpasiklaban na sila ng kanilang mga fireworks, hindi kami magkanda ugaga sa paglinggon.
 

Kulasa: Grabe, magkano kaya ginasta ng mga 'yan?
Kulas: Oo nga, buti nalang tayo libre nood.
Kulasa: Yup, at di pa nakakangawit sa leeg.

Kulas: Next year bili tayo ng ganyan, kahit isa lang.
Kulasa: Naku , nagsalita, sisindihan mo kaya?
Kulas: Oo nga, sayang, 'to nalang malilit, maganda naman.
Kulasa: Next year dagdagan natin yung fountain, yung parang may watusi.
Kulas: At yung mga mga rockets na lumilipad.

Kulasa: Kulas, paano natin uubusin itong pagkain?
Kulas: Ang dami nga, grabe itong mga kapit-bahay magbigay.
Kulasa: Parang lahat masarap, tikman natin lahat.
Kulas: Grabe ka!
Kulasa: Tikim tikim lang naman. Parang pulutan.
Kulas: Ha! Ikaw din, baka maging parang unan yan tiyan mo.

Kulasa: Hoy, wala akong balak magging tulad mo!
Kulas: Ep ep ep, New Tear na, bawal masungit!
Kulasa: Ay naku, wala akong balak magging mukasim buong taon ano.
Kulas: Buti naman, cute ka pa naman sa kung lagi kang naka-smile.

Kulasa: Naka-ismile o naka-ismid cute pa rin ako.
Kulas: Sya-sya, kulang lang yan sa inom - Cheers!
Kulasa: Cheers Kulas, Happy New Year! Lab yah.
Kulas: Happy New Year Kuls! Lab yah too.

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!
0

Unang Pasko

Ilang buwan pa lang kami ni Kulas dito sa barrio namin. Madami na kaming nakilalang mga kapit-bahay. Mababait sila at masayang kasama. Binabantayan nila ang kubo namin kapag wala kami. Gaonon din naman kami sa kanila. Parang isang pamilya.

Pag mayroon may birthday ang sino man sa kanila - tatay, nanay, anak - sinasaluhan nila kami. Nagpapadala sila ng kahit kaunting ulam. Sharing ba. Maswerte pa kami at masasasrap magluto ang aking mga neighbors.

Ngayon Pasko, di na iba iyon.

10:17 pm

Kulasa: Kulas what's that?
Kulas: Padala ni neighbor 1, pancit molo
Kulasa: Wow!
Kulas: Meroon pang empanada.

10:26 pm

Kulas
: O Eto, galing kay neighbor 2.

Kulasa: Ano yan?
Kulas: Spagehtti, garlic bread, at buko salad.

10:29 pm


Kulasa: Sino 'yon?
Kulas: Si neighbor 3, may padala.
Kulasa: Huh?
Kulas: Fried chicken at fruit salad.

10:45 pm

Kulasa: Kulas, may bigay si neighbor 4.
L
umpiang Shanghai at Pancit Bihon.

11:10 pm

Kulas: Galing kay neighbor 5, parang dessert din.


Masarap lahat ng luto. Pati sila nagustuhan 'yung bigay namin ni Kulas. Inahin ko lahat ng bigay sa amin, pati na yung niluto ko.

Nagdasal kami ni Kulas, nagpasalamat at siyempre nag Happy Birthday kay Jesus.



0

Regalo

Ang mga Pinoy nga naman pag pasko, kahit na naghihirap, sige pa rin ang gastos. Andyan ang pag handa ng Media Noche, andyan ang pagbili ng regalo. Hindi talaga maiaalis sa atin ito.

Ugali ko ang mamili ng pang regalo ng maaga. Ngayon pa lang ay tapos na kaming mamili ni Kulas. Ayoko ko kasing nakikipag siksikan sa malls. Si Kulas naman, di mo maasahan sa paglibot.

Mahirap din ang magisip ng ipang-reregalo. Kaya pinaguusap namin ni Kulas kung ano ang balak namin ibigay. Hindi lokohan ang pagbili ng regalo. Ilan ang kapatid, ilan ang pamangkin. Malaking pamilya sila Kulas, isipin nalang ninyo kung ilan ang kapatid at pamangkin niya. Andiyan pa ang mga ibang kamag-anak, inaanak, mga officemates, mga kapit bahay, mga kaibigan.

Lahat naman tayo pinaghahandaan ang pamimili nga regalo. Hindi naman kailangan mahal ang ibigay mo, kahit simple, basta pinagisipan. Kaya nga it's the thought that counts, thought - pinagisipan, hindi pinagpiliian.



Kulas: Shopping nanaman? Akala ko ba tapos ka nang mamili.
Kulasa: Oo nga, pero baka may nakalimutan ako.
Kulas: Patingin nga ng listahan? O, lahat naman meroon na.

Kulasa: May gusto lang akong balikan.
Kulas: Balikan? Anong yon?
Kulasa: Basta, may gusto akong bilhin.

Kulas: Ikaw talaga Kulasa, napaka gastadora mo.
Kulasa: Eh kailangan ko yon eh.
Kulas: Wala ka naman binili na hindi mo kailagan.
Kulasa: Oy, kahit na nakatago yung iba, nagagamit natin paminsan-minsan.
Kulas: Really? Eh yan juicer, nagamit mo na ba?
Kulasa: Bagong bili lang yan ano!
Kulas: Naku, parang hindi kita kilala, panic buyer ka.
Kulasa: At least hindi sira at reasonable yung price.

Kulas: Ewan. Basta promise walang kang bibilin gamit pang bahay.
Kulasa: Ok (hmph.)
Kulas: Walang gamit pang kusina.
Kulasa: Ok (hmphulit.)
Kulas: Walang pang decorate.
Kulasa: Ok (hmph talaga.)
Kulas: Walang pang pantry.
Kulasa: Ok (grrrrrrr)

Kulas: Ok, ok ka dyan. Sige, pero sasamahan kita.
Kulasa: Wag na, ako nalang.
Kulas: Bakit? Style mo bulok.
Kulasa: Style?
Kulas: Sneaky ka eh.
Kulasa: Hindi, ako sneaky.

Kulas: Basta, sasamahan kita.
Kulasa: Basta, hindi.
Kulas: Sige, magpunta ka magisa.
Kulasa: Kulas naman eh! (triple grrrrrrr)

Kulas: Sya-sya, ano ba yan babalikan mo?
Kulasa: Sandali lang ako.
Kulas: Ano nga yon?
Kulasa: Wala.
Kulas: Wala pala, tsaka nalang tayo umalis.
Kulasa: Kulas ano ba, napipikon na ako.
Kulas: Ano nga yon?
Kulasa: Regalo mo, kontento ka na?

0

Caroling

Pasko, pasko, pasko nanaman muli.....
Sa may bahay, ang aming bati.....
Feliz Natidad (tatarattat).....
Teynk yu, teynk yu....

Eto na, hindi pa nagsisimbang gabi ang daming nag ca-caroling. Style pa nila eh naghihiwalay. Obvious naman, kasi nakikita mo na nagiintay sa may kanto yung kasama. Hindi ko naman magawang magalit kasi naaawa naman ako.

Minsan lang nga nakakpikon ang mga ito. Magbigay ka minsan gagabi-gabihin ka ng mga makukulit. Kaya ngayon pasko, nag promise ako kay Kulas na hindi magiging masungit sa mga maaga mag caroling.



Kulasa: Naku naman, ang aga-aga nag ca-caroling na.
Kulas: Oy Kulasa, wag ka ngang ganyan.
Kulasa: Eh kasi naman, mag bigay ka ngayon, bukas andyan nanaman sila.
Kulas: Kaw naman, pagbigyan mo na.

Kulasa: Oo nga, kaya lang nahihiwlay pa sila eh.
Kulas: O di hatiin mo yung bibigay mo.
Kulasa: Ano bigyan ko ng piso?
Kulas: Wag naman.
Kulasa: Aba, kung piso gabi-gabi yan eh malaki maiipon nila.
Kulas: Ikaw talaga, kuripot!
0

Paghihiganti

Minsan hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Bukutanging sira ulo 'ata ako o talagang masayahin tao.

Nagising ako ng 7:00. Aba hindi ako ginising ni Kulas.
Hindi nag-inggay o binulabog ang kama.
Pagmulat ng mata ko, may na amoy akong mabango, nakakalaway. Napangiti ako, nagluto ata si Kulas ng almusal.

Dahan dahan akong lumbas. Pagsilip ko sa kusina, aba may hinuhugasan si Kulas.

Pag lingon ni Kulas sabay akong sumigaw....



Kulasa: BIRTHDAY KO NGAYON! [with matching pose]
Kulas: Shhhhhhhhhh!
Kulasa: BIRTHDAY KO PO NGAYON!!!! [palit naman ng pose]
Kulas: Huuuu, ang aga-aga ang inggay mo!

Kulasa: Bakit, birthday ko naman talaga.
Kulas: Sya-sya.
Kulasa: Wow how sweet, nagluto ka ng breakfast?
Kulas: Yup.
Kulasa: Eh lunch? Kaw din ba magluluto?
Kulas: Yup.
Kulasa: Pati dinner?
Kulas: Yup.

Kulasa: Bakit?
Kulas: Eh birthday mo,your the master for the day.

Kulasa: Really, walang lokohan (hmmm something smells fishy)
Kulas: Peks man! Your wish is my command!


In short, mukhang nakalimutan ni Kulas ang pang aasar niya sa akin noon birthday nya. Kaya hindi lang nagluto si Kulas.

I will not elaborate on this, pero I found out na he is true to his word.

Am I just lucky or what.... he he he
0

Kaarawan

Kaarawan ni Kulas ngayon. Happy Birthday Kulas! Lab yah!

Dahil birthday ni Kulas, balak ko talaga na hindi ko siya asarin ngayon. Promise ko na ako ay magkakaroon ng pasensiya at pipigilan kong mang inis. Alam nyo naman, past time namin ni Kulas ang asarin ang isa't-isa, yan ang spice ng samahan namin. Di naman kami nag babangayan, nag kukulitan lang kami - lagi.

Pero napakahirap pala talaga pigilan ang isang ugaling nakasanayan mo na. Ganoon pa man, sanayan lang.



Kulasa: [singing] Happy Birthday to you.
Kulas: Shhhhhh.
Kulasa:
[singing] Happy Birthday to you.
Kulas: Shhhhhhhhhh!
Kulasa:
[singing] Happy Birthday, Happy Birthdayyyyyyyyyyyyyyy.
Kulas: Hust!!!!
Kulasa:
[singing] Happy Birthday to youuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!

Kulas: Ano ka ba? Ang aga-aga ang lakas-lakas ng boses mo.
Kulasa: Kaw naman, sing lang ako sa yo.
Kulas: Eh parang kang barko eh [pow, asar no. 1]

Kulasa: Over ka. [Nagpipigil si Kulasa]
Kulas: Di mo naman kailangan ilakas.
Kulasa: Bakit naman, we're at the privacy of our own home.
Kulas: Naku ha, privacy, privacy, magtigil ka nga.

Kulasa: San tayo kakain mamaya?

Kulas
: Dito sa bahay, bakit?
Kulasa: Siyempre birthday mo, libre kita.
Kulas: Wag na, dito nalang, luto ka nalang.
Kulasa: Wala akong lulutuin, besides, special day ngayon.
Kulas: Ay naku, sa akin ordinary day lang ito.

Kulasa: Ang corny mo naman. Ano gusto mo Chinese, Italian, Japanese?
Kulas: Wala. Kahit kangkong lang pwede na.
[sus]
Kulasa: Hindi pwede, kailangan masarap ang kakainin natin ngayon.
Kulas: Eh di kangkong with imported patis.
[grrrrr]

Kulasa: Ang arte mo naman, ako na nga ang mangli-libre.
Kulas: Wag na, ikaw din, mapapadami lang kain natin, tataba ka! [grrrrrrrr!]
Kulasa: Hindi, konti lang kakainin ko.
Kulas: Ikaw pa?
[aba nanunubok talaga]

Kulasa: Basta, sunduin mo ako sa office ng maaga.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Wala lang, para pwede tayo mamasyal ng konti.
Kulas: Wag na, sasakit lang paa natin.
Kulasa: Sandali lang naman. [Naiinis na talaga si Kulasa]
Kulas: Hindi na, gastos lang yon.

Kulasa: Kakainis na naman eh. Basta kakain tayo sa labas.
Kulas: Sige, maglilinis alng ko ng garage.
[bibigay na si Kulasa]

Kulasa: Ano?
Kulas: Read my lips... mag-li-li-nis lang ako ng ga-ra-ge.
Kulasa: Bakit?.
Kulas:La lang, gusto ko lang, birthday ko naman - 'di ba ?[la na, giveup na si Kulasa]

 
Kulasa: Wag kang maglilinis ng garage.
Kulas: Bakit wag, di ba sabi mo sa labas tayo kakain.[Corny!]
Kulasa: Oo nga, pero mas maganda na madumi ang garage.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Mas masarap kasing ingud-ngod yan nguso mo sa maduming tabla!

Kulas: Grabe ka, birthday ko ganyan ka. [aba, hurt daw - 'di bagay]
Kulasa: Ke pasko, ke new year, ke valentine - "ordinary day lang" yon.
Kulas: Ay pikon, iniintay ko lang kelan ka bibigay - pikon! [tatawa-tawa]
Kulasa: Che!

Intayin mo pag birthday ko!



0

Palamuti

Pagkakabit namin ni Kulas ng ilaw, oras na para itayo ang Christmas tree at maglagay ng mga Christmas ek-ek sa bahay. Yung ibang Christmas ek-ek di na magamit. Nabasa pala yung isang kahon at yung mga laman at nagkahalo-hao yung kulay. Kaya yun basurahan namin ang unang naglagyan ng Christmas decoration.

Taon-taon bumibili ako ng konting bagong decoration. Pang mesa, pang Christmas tree. Pero bakit kaya taon-taon parang kulang ang palamuti sa bahay? Kung si Kulas mahilig bumili ng Christmas lights, ako naman mga Christmas ek-ek. Nakakasawa kasi yung bawat pasko pare-pareho nalang ang nakikita mo. Lalo ngayon bagong lipat kami, eh di hindi na bagay yung ibang decoration. Kaya naman ng mailagay ko na sila sa kanya-kanyang lugar, parang may kulang. In short, may reason ako ngayon para mamimili [yey!].

Anyway, medyo tama si Kulas, maarte nga akong maglagay ng mga decorations. Nakailan palit, ikot, lipat ang ginawa ko sa mga gamit. Pero I have a feeling it will not end here. Kasi kung bibili ako ng bagong decoration, siguradong mag me-merry-go-round nanaman ang mga gamit sa kubo.



Kulas: Di ka pa ba tapos?
Kulasa: Konti nalang.

Kulas: Buong araw ka na 'dyan ah.
Kulasa: Eh kailangan tama yung effect.

Kulas: Effect? Ang OA mo talaga.
Kulasa: Aba, dapat yung makikita ko gusto ko yung dating.

Kulas: Kanina ka pa paikot-ikot 'dyan.
Kulasa: Kasi nga [stress on the nga]!

Kulas: Nahihilo na ko sa 'yo.
Kulasa: Over ka.

Kulas: Medyo kulang ng red yan mga dahon na yan.
Kulasa: Wala na nga akong malagay na pandagdag.

Kulas: Ayan ang dami pa 'dyan.
Kulasa: Hindi bagay.

Kulas: Anong hindi, eh yan ang magkakasama last year.
Kulasa: Last year 'yon.

Kulas: Eh ano naman?
Kulasa: Basta, hindi maganda.

Kulas: Kulang ng bola 'dyan, at dito, at dito.
Kulasa: Ano ka ba, kung kulang eh di dagdagan mo.

Kulas: Huuuu, sya-sya, mamimili na.
Kulasa: Talaga? Kelan? Bukas?

Matipid naman akong tao. Di naman ako ganoon ka ambisyoso na ubod ng ganda ng palamuti sa bahay. Ang gusto ko lang, maayos at maganda. Kayo ba?



0

Kumikutikutitap

Malamig na dito sa atin. Iba na ang simoy ng hangin. Malapit na talaga ang pasko. Kayo ba ay maaga magtayo ng Christmas tree? May mga nakakabit na bang mga Christmas lights sa inyong mga bahay? Si Kulas September pa lang atat na atat ng mag lagay ng mga abubot na pangpasko. Buti nalang at medyo napigilan ko ng kaunti. Pero pag pasok ng October, talagang nangungulit na. Napigilan ko pa din, pero itong linggong ito, wala na akong excuse.

Bagong lipat kami dito sa kubo namin. Excited kami pareho kasi unang pasko namin sa sarili namin bahay. Pinagusap namin kung saan itatayo yung Christmas tree, saan ilalagay yung mga ibang Christmas ek-ek.

Inunang nilabas ni Kulas yung mga ilaw at sinubukan namin sindihan. Gigil na gigil ako kay Kulas, dahil hindi maayos ang pagkakaligpit niya ng ilaw. Pareho kaming nagulat sa dami ng ilaw! Kasi naman tuwing pasko ay bumibili si Kulas ng mga ilan set. Ayun, isang buong gabi kaming nag tanggal ng mga buhol, nagpalit ng punpidong bumbilya.

Pinagpawisan yung mga nguso namin, Nangalay ang mga braso, nahilo sa pagtanggal ngbuhol. Sa wakas, nangako si Kulas na di na muna siya bibili ng Christmas lights ngayon taon [hah, you wish, pustahan pa tayo].
 

Kulas: Hoy, anong ginawaga mo dyan?
Kulasa: Nagkakabit ng ilaw.

Kulas: Ano?
Kulasa: Kinakabit ko yung ilaw, bingge!

Kulas: Bumaba ka nga 'dyan!
Kulasa: Ok lang ito, konti nalang.

Kulas: Kababaing mong tao, hala, baba.
Kulasa: Wow, how nice, caring for me.

Kulas: Gaga.
Kulasa: Hmmmm, bakit mo ko pinabababa?

Kulas: Nakakatawa kasi ang magiging itsura mo pag nalaglag ka!
Kulasa: Che! Sige nga, ikaw dito, basta ayusin mo yung pag lagay.

Kulas: Ako pa!
Kulasa: Duh! Oo, ikaw pa!
Kulas: Watch me.

Pagkatapos ng thirty minutes.

Kulasa: Kulas! Ano ba yan!
Kulas
: Bakit? Ok nga eh.

Kulasa: Ok? Ok? Eh mukhang puro letter W na dikit-dikit 'yan!
Kulas: Pwede na 'yan.

Kulasa: Yan na nga ba sinasabi ko. Ako na nga ang maglalagay.
Kulas: Ako na, sabihin mo nalang kung paano mo gusto.

Kulasa: Medyo masyadong nakakumpol yung isang yon.
Kulas: Ano, tatangalin ko?

Kulasa: Konti, tapos, ito iladlad mo.
Kulas: Ganito?

Kulasa: Yan, tapos yung isang set dito naman.
Kulas: Yan?

Kulasa: Hindi, dito - ok, yan naman dito.
Kulas: Ganito?

Kulasa: Ano ka ba naman Kulas, eh parang ubas yan.
Kulas: Eh, paano ba?

Lumipas ang halos isang oras, medyo nag iinit na pareho ang ulo namin.

Kulas: Alam mo, na ngangawit na ako.
Kulasa: Ikaw kasi, sabi ko sa iyo ako na ang malalagay eh.

Kulas: Ang dami mo kasing arte.
Kulasa: Hindi arte 'yon, mas artistic lang ako sa yo!

Kulas: 'Sya sya.

Hindi kami tumigil hanggan maikabit namin lahat ng ilaw.
Bukas, Christmas Tree naman.


0

Blackeye

Kayo ba ay nagka black eye na? Siguro dala ito ng inyong katapangan. Kayo kaya ay nakipag-away, inaway, o talagang takaw bugbog lang ang itsuraninyo?

Naranasan na ba ninyo ang timitibok-tibok na sakit at parang malalag ang inyong mata kapag kayo ay yumuyuko? Yung medyo maga ang inyong eyelids, mapula ang mata, at maitim ang paligid ng pilikmata?

Ako nakaranas na - ngayon lang. Kasi kaninang madaling araw [as in 1:44 am ng umaga!], bigla akong nagising dahil may naramdaman akong tumama sa mata ko. Aba'y kamaong ni Kulas! Ayun, sumigaw ako ng malakas at napaupo.

Napaiyak ako talaga - hindi lang sa sakit, napaiyak ako kasi hindi ako makaganti kay Kulas, dahil alam kong hindi naman niya sinasadya. Pero gustung-guto ng upakan at sipa-sipain si Kulas. Biro mo, wala akong kalaban-laban, di man lang ako nakailag.


Ngayon lang nanaginip si Kulas ng ganoon. Pati ako nagtaka. Pero ngayon umaga, tipo bang gusto kong abangan matulog si Kulas at kunyari ako naman ang nananaginip.

Kulas: Good morning. Kumusta ka na? [pa kiss-kiss pa si ungasis]
Kulasa: Che!

Kulas
: Uyyy, galit pa siya.

Kulasa
: Bakit naman ako matutuwa sa iyo?

Kulas: Ikaw naman, di ko naman sinasadya 'yon.

Kulasa: Eh bakit ka ba nanuntok kagabi?

Kulas
: Nanaginip nga ako.

Kulasa: Na ikaw si Batman at may kalaban ka?

Kulas
: Hindi, may snatcher. Hinabol ko tapos inabutan ko.

Kulasa: Ako pala 'yung inabutan.

Kulas
: Hindi ko naman alam. Sorry talaga.

Kulasa: Buti nalang medyo pahawi ng konti.

Kulas: Patiggin nga.
Kulasa: Medyo maitim yung sa baba ng mata.

Kulas: Wag ka nalang kayang pumasok.
Kulasa: Bakit, baka sabihin nila binugbog mo ako?

Kulas: Hindi, baka akala nila may racoon sa office.
Kulasa: Excuse me, ang racoon dalawang mata ang may itim!

Kulas
: Kaya ba yan ng make-up para hindi mahalata.

Kulasa: Siguro naman.

Kulas:
Eh kung mahalata

Kulasa: Eh di sasabihin ko nakanto ako.

Kulas: Nakanto? Saan, sa mesa? Para ka naman eng-eng.
Kulasa: Eh anong gusto mong sabihin ko?

Kulas: Kung sabagay, minsan eng-eng ka naman

Kulasa: Halika nga dito at ikaw ang gagawin kong racoon!

Di naman maraming nagtanong sa office - boss ko lang at mga kasama kong mag-yosi. Sabi ko costume ko to sa Holloween. 'Di naman sila makatawa, baka sila ang umbagan ko.
0

Pagbabalik

Hay naku. Pagkatapos ng muntik na namin pagaway ni Kulas sa paglipat ng computer at pagbili ng alambre, eto, nagloko. Ewan ko ba, bigla nalang nawawala yung screen, sinusumpong. Grabeng viral infection ang nangyari sa akin laruan. As in, tipo bang batang iyak ng iyak na hindi mo maintindihan kung ano ang masakit. Ilan araw ko din pinagtiyagaan. Minsan inis na inis na ako at hindi ko talaga makita kung saan nagtatago yung virus. Hanggan isang araw iniwan ko siya dahil hindi ko na talaga malaman kung ano ang gagawin. Yung bang panahon na gusto mong sipa-sipain yung laruan mo kasi hindi talaga gumagana.

Muntik na akong umayaw talaga. Buti nalang andyan yung akin utol si Indio. Magaling siya - agaling mang asar. Kaya sinubukan ko ulit at hindi ko tinigilan. He he, hindi lang antibiotic ang tumama sa virus, samahan mo na ng injection at bakuna. Sana naman pag sininat ulit itong laruan ko eh hindi na mag kukumbulsyon! Subukan lang niya, hindi ko siya dadalin sa ospital, sa junk shop ang tuloy niya!

Kulas: Kuls, anong ginawa mo sa computer?
Kulasa: Bakit?

Kulas: May topak.
Kulasa: Anong topak?

Kulas: Parang ikaw, hindi maintindihan ang gustong gawin.
Kulasa: Patingin nga [nag-check ng screen] - Naku, ano yan!

Kulas: Malay ko, kung ano-ano kasi ang pinaglalagay mo 'dyan.
Kulasa: May virus daw, i-scan mo nga.

Kulas: Nag scan na ako pero ganito pa din.
Kulasa: Ano pa ginawa mo?

Kulas: Wala, upakan mo pa ko. [with matching taas ng kilay]
Kulasa: Siguro kung saan-saan ka na naman na surf.

Kulas: Paano nga ako mag-su-surf, eh nag-shu-shut down itong mag-isa.
Kulasa: Nyeta, anong gagawin natin..

Kulas: Natin? Ikaw ang mag ayos nito, baka may ibintang ka sa akin!
Kulasa: Over ka, hindi naman ako ganoon.

Kulas: Really? [hindi siya sarcastic ano?]

Pagkatapos ng ilang lingo.

Kulas: O ano na? Sira pa ba yan?
Kulasa: Ewan ko ba. Ginawa ko na lahat ng alam ko, ganoon pa din.

Kulas: Tawagan mo si Indio, baka maykatulong.
Kulasa: Ayoko, sasabihin lang noon eng-eng ako.

Kulas: Ayaw mo wag, hindi mo magagamit 'yan
Kulas: O bakit mukhang Biyernes Santo ang nguso mo.

Kulasa: Tinawagan ko si Indio.
Kulas: Ano sabi?

Kulasa: Wala.
Kulas: Wala? 'Di nga, anong sinabi.

Kulasa: Wala nga, pinagtawanan lang ako!
Kulas: 'Yun lang pikon ka na. [tatawa-tawa pa!]

Kulasa: Isa ka pa, baka ibato ko ito sa iyo.
Kulas: Wag naman, wala kang pamalit 'dyan.

Kulasa: Grrrrrr. Basta hindi ko to titigilan hanggan maayos ko ito.
Kulas: Sige, husayan mo. Bibilib ako sa iyo pag naayos mo 'yan.

Ngayon ---- bilib na yata sa akin si Kulas.




0

Alambre

Ay naku. Hindi ako nakapag post ng ilan araw. Kasi si Kulas inilipat yung computer. Dati nasa kuwarto namin. Pero talagang hindi maganda. Pag may mga gustong gumamit kailangan papasok sa kuwarto, kaya nag agree kami na labas ito.

Mayroon na akong gustong lugar na lagyan ng computer, pero si Kulas, kung saan saan gustong subukan ilagay. Pinagbigyan ko naman. Una nilagay sa tabi ng radio. Pangit. Kasi mas malaki yung mesa ng computer. Tapos nilipat namin sa malapit sa sala. Pangit pa rin. Paikot-ikot sa bahay. Akala ko nga sa kusina ilalagay ni Kulas - buti na lang hindi. Imagine, ano nalang itsura ng monitor pag natalamsikan ito ng mantika habbang nag pri-prito!

Pakiramdam ko hindi ako ang nahilo, kung tao lang itong computer, nagreklamo na rin ito.

Sa wakas, nag-compromise na si Kulas, nalagay din siya kung saan ko gusto. Yun lang nga, malayo sa linya ng telepono. Kaya kailangan pa namin bumili ng mahabang wire para ma-ka connect sa internet. Yun lang nga, medyo natagalan si Kulas sa pagbili, kaya ako natagalan mag post.

Kulasa: Nakabili ka na ng wire?
Kulas: Hindi pa.

Kulasa: Bakit??
Kulas: Ang dami ko kasing ginawa.

Kulasa: Hmmmp. Eh paano ako gagamit ng internet?
Kulas: Eh di ikabit mo muna dun sa isang linya.

Kulasa: Ano? Eh ang layo ng noon.
Kulas: Ilapit mo yung mesa.

Kulasa: Nagpapatawa ka?
Kulas: Hindi, seryoso ako.

Kulasa: Sira ka pala. Eh di nasa gitna ng dinning room yun.
Kulas: Eh ano, pansamantala lang naman.

Kulasa: Ayoko.
Kulas: Pwede naman, aabot itong wire na ito o.

Kulasa: A-YO-KO [read my lips]. Basta bumili ka na.

Kulas: Sarado na ang hardware. Bukas nalang.
Kulasa: Basta bukas bibili ka ha, promise.

Kulas: Para ka naman naglilihi.
Kulasa: Eh kasi hindi ko ma-u-update ang blog ko.

Kulas: Minsan lang naman 'yun.
Kulasa: Sige, susulat ko ikaw ang may kasalanan.

Kulas: Ako?!
Kulasa: Yup, sasabihin ko lang naman na ikaw ang cause of delay.

Kulas: 'Sya sya, bukas.
Kulasa: Thank you [with matching beautiful eyes effect].

Kulas: Hoy di bagay sa yo yan, para kang ewan.

Nakabili si Kulas ng wire. Kinabit na niya kanila, kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. Pinagluto ko siya ng favorite niyang ulam. Busog na busog si Kulas. Masaya siya. Hindi niya alam kung ano ang nasa blog ko ngayon [he he].

Seeing Double

Natatawa ako sa mga nakasanayan natin mga salitang Pilipino. Siguro malakas lang talaga ang imagination ko. Minsan kasi hindi ko alam kung complement o insulto angibig nilang sabihin. Kaya ako, tinatawanan ko nalang [avoiding ang wrinkles].

Kasi naman pag medyo hawig ang ugali, gamit, etc., ito ang mga sinabasi, at ito naman ang aking mga naiisip na pwedeng ibig sabihin ng
nagsalita.

* Para kayong pinagbiyak na niyong
- mukha kang nakakalbong negro
- pwede na kayong kudkurin
- tuyot na kayo, hindi na kayo fresh
[as in fresh buko]
- obobs kayo, walang laman ang utak, puro tubig pag nabuksan
- nicer way of saying, mukha kang bunot
[sa totoo lang]

* Para kayong kambal
- wow, kamuka ko si
(isang taong maganda o guwapo) 

     [...you wish]
- may anak sa labas ang tatay ko?
- may anak sa labas ang nanay ko?
- ano? kamukha ko ito!

* Para kayong kambal tuko
- wala kayong silbi sa mundo kung 'di kumain ng kiti-kiti
- obobs kayo, you have nothing interesting to say

- mukhang kayong barriotik o promdi, baduy kayo
- magkamukha na nga kayo, mukha pa kayong butiki

* Para kayong binagbiyak na inidoro
- ang panghi ng arrive ninyo
- ang sarap ninyong i-flush [bakit kaya]

0

Posts

Hindi ako nakapag-post sa blog ko kahapon. May mga bisita kami ni Kulas sa kubo at medyo ginabi na sila sa pag uwi [in short, umaga na]. Ito pa lang si Kulas ay binabantayan ang blog ko. Siguro gusto niyang malaman kung paninindigan ko ang regular na pag-update nito. Well, hindi nga regular pero mayroon naman.

Kulas: Milagro, hindi yata kita nakitang mag computer buong araw.
Kulasa: Ayaw mo noon tipid sa kuryente.

Kulas: Eh 'di hindi ka nag post ng blog mo ano?
Kulasa: Nag post.

Kulas: Kailan?
Kulasa: Kahapon.

Kulas: Kahapon? [nakataas pa ang kilay]
Kulasa: OK, noon isang araw.

Kulas: Bakit di ka nag post kahapon.
Kulasa: Hello, parang may bisita tayo ano.

Kulas: So, sabi mo sandali lang mag post.
Kulasa: Oo nga, pero matagal mag isip at mag-type.

Kulas: Huuuu, palusot!
Kulasa: Maganda nga kung araw-araw kang may post.

Kulas: Pero.....
Kulasa: Pero hindi required.

Kulas: Huuuu, palusot ka talaga.
Kulasa: Hindi ah. Wala naman nakasulat na dapat daily ang pag post.

Kulasa: At saka, napuyat tayo, paano ako mag po-post?
Kulas:
Sabi ko na nga ba hanggang umpisa ka lang.

Kulasa: Di pa naman tapos ang araw, pwede pa.
Kulas: Ngayon mag po-post ka kasi nasita kita.

Kulasa: Hindi, mag po-post ako para may mabasa ka.
Kulas: Huuuuu.

Kulasa: Kung di ka nagbabasa, paano mo nalaman hindi ako nag post?
Kulas: Kasi hindi ka gumamit ng computer.
Kulasa: Huuuuu, palusot! [beh!]
0

Nguya

Plat, plat, plot, plat, plat, plat. Swiiiiiip, swiiiiip, shuuuuu,shuuuuu, swiiiiiiiiiiiiip.

Ganyan ang mga tunog ng tao maingay kumain. Kapag kasama kong kumain ang isang taong ganito ay nakakawalang gana. Alam ko na sa ibang bansa accepted daw yung paghigop ng sabaw na maingay. Medyo ito natatagalan ko pa. Pero kapang nagunpisa ng ngumuya ng pakaingay-ingay, turn-off na talaga ako.

Kasi naman hindi sarhan ang bibig pag ngumuya. Actually, hindi na bibig ang tawag dito - bunganga na.

Lalo na kapang napakalaki ng isinubo. Yung bang mukhang puff fish o parang lobong hinipan ang pisngi sa dami ng laman. Sasabayan pa ng pag salita. Anak ng tipaklong! Parang gusto mong batukan kaya lang pinipigilan mo ang sarili at baka maibuga niya yung kinakain niya sa kanyang kaharap.

Hindi ako imbiyerna sa ibang eating sound effects. Madalas, ibig sabihin nito masarap ang luto mo. Tulad ng, hmmmm [pag mabanggo], yum o yum-yum [pag tama ang timpla] , grrrrrrr [pag tama ang asim]. Pero kapag naman ang kasabay ko ay parang bakyang kinakaladkad sa inggay, naririndi ako.

At least may consolation, at hindi sila mainggay uminom. Hindi parang asong uhaw sa tubig. May lull din pala sila.

0

Supermarket

Pag napupunta kami sa supermarket di ko mapigilan ang maii-nis minsan. 'Di lang kay Kulas, pati na din sa mga ibang taong na parang walang pakialam sa mundo.

Kasi si Kulas, gusto n'yan alam mo na ang bibilin mo. Tipo bang pag dating mo sa supermarket naka-map na ang route mo base sa mga bibilhin mo. Ayaw niyan ng masyadong matagal. 'Di ko naman alam kung bakit siya naii-nip. Bakit ba karamihan ng mga lalaki pag dating sa pag shopping o sa pamamalengke laging nagmamadali, parang sinisindihan ng lighter ang mga wetpaks.

Ako kasi, kahit na may listahan ako ng dapat kong bilhin, ugali ko talaga na dadaanan ko ang bawat aisle, bawat kanto, bawat tambak. Paano kung may nakalimutan akong isulat sa listahan o kaya may naiisip akong bagong lulutuin, o kaya may bargain?

Ang pinang-gigigilan ko naman kay Kulas ay yung lagay ng lagay ng mga ek-ek sa cart. Tapos di naman pala bibilhin at isasauli din sa shelf. Grrrrrrrr.

At least si Kulas nagsasauli sa tamang shelf. Bilin na bilin ko 'yon sa kanya kasi naiinis ako doon sa mga taong kukuha ng delata tapos iiwan sa lalagyan ng mga sabon! O kaya yung bang pindot ng pindot ng mga gulay o prutas, 'di ba nila alam na nalalamog 'yon? Sila kaya ang pakainin ko ng bugbog na pipino.

Yung iba naman, pinagagalitan yung mga anak nila kasi may gustong pabili. Tipo bang nag-aalburoto na yung bata at may ipinipilit sa nanay. Hindi naman masama na isama nila yung mga bata pero as a responsible parent dapat kausapin nila yung mga anak nila bago umalis ng bahay. Sabihan nila na wag magpipilit bilhin ang lahat ng gusto. Hindi maganda kasi yung papaluin, awayin, o pagagalitan yung bata sa supermarket. 'Di ko nga alam kung kanino ako maaawa, sa nanay o sa bata. Kasi minsan pareho ko silang gustong upakan.

Lately, isa pang naiimbiyerna ako, ay yung mga batang naka suot ng rubber shoes na may gulong. Ay naku. Kung hindi lang talaga masama ang manumpa, marami na akong nasabihan ng - makabangga ka sana ng mababasagin.

Hindi pangit bumili nito sa mga bata. Pero dapat alam nila kung saan ito tamang gamitin. Wag naman nilang gawin isang malaking skating rink ang buong Pinas.



Kulas: Bakit ka iingkad-ingkad.
Kulasa: Bwisit kasi yung bata, sinagasaan yung paa ko.

Kulas: Nasagasaan ng ano?
Kulasa: Ng sapatos niya!

Kulas: Wag mong sabihin pinatulan mo yung bata?
Kulasa: Hindi, gusto mo 'kong ma-Bantay-bata?

Kulas: Eh ano ginawa mo.
Kulasa: Kinausap ko yung nanay.

Kulas: Kinausap mo o tinarayan mo?
Kulasa: Sinabi ko lang naman kung anong nagawa ng anak nya.

Kulas: Tapos [natatawa].
Kulasa: Wala. Yun lang.

Kulas: Tigilan mo nga ako. Kung kilala kita, itnakot mo pati nanay.
Kulasa: 'Di naman ako terrorista.

Kulas: Huuuuuu.
Kulasa: Halika ka na, matapos na ito, masakit ang paa ko.

Kulas: Baka lagnatin ka! Sandali lang tayo dito?
Kulasa: Che! Masakit na paa ko.

Kulas: Wala na 'kong sinabi [tatawa-tawa pa].
Kulasa: Wag kang tatawa-tawa 'dyan, baka gusto mong apakan ko yan paa mo!


Back to Top