0

House Hunting

Adventure No. 1

Lahat tayo may pangarap na magkaroon ng sariling tahanan. Kami ni Kulas ay nabiyayaan at nagkabili na din kami ng sarili namin kubo. Maliit man siya pero maitatawag namin sarili namin bahay. Masaya ako dahil napakadaling linisin.


Nahirapan kaming humanap ng bahay ni Kulas. Napakadami namin tinignan. May napuntahan kaming magaganda pero maganda din ang presyo - parang abot langit! May mga pasok sa budget yung lang pero marami akong hindi type doon sa mga 'yon.

May isa, ang daming dwende [as in, mas marami pa sa dwede ni Snow White] at kabute [may dotted, may plain, may stripes] at may malaking rabbit pa!

Yung isa naman puro fake na sangga ng puno sa bakod- gawang cemento. OK sana, pero pinintahan nila ng kulay pink
[with matching brown streaks para 'ala totong puno effect].

Meron naman isa, hindi nagtipid sa pintura - ang daming kulay!

Kulasa: Wow colors naman ito.
Kulas: Shhhhhh.

Kulasa: Bakit orange ang kwarto?
[room no. 1]
Kulas: Shhhhhh.

Kulasa: Galit na galit itong pink o. Shocking kulay.
[room no. 2]
Kulas: Shhhhhhh.

Kulasa: Tignan mo yung kulay nito, cute, Smurff blue!
[room no. 3]
Kulas: Marinig ka!
Kulasa: La la la la la [singing the Smurffs theme song]

Kulasa: Ooh la la - dirty kitchen - epol greyn.
Kulas: Shhhhhh.

Kulas: Ikaw ang ingay-ingay mo kanina.
Kulasa: Bumubulong naman ako.

Kulas: Oo nga, pero yan bulong mo parang busina ng barko.
Kulasa: Ooooong, ooooong
[Titanic horn imitation]

Kulasa: O bakit ka pangiti-ngiti, natatawa ka din 'no?
Kulas: Masaya lang ako.

Kulasa: Bakit? Don't tell me type mo yung bahay.
Kulas: Eh kung sabihin ko sa iyo oo.

Kulasa: ANO!!! Matira ka doon mag-isa!
Kulas: Ayaw mo noon, parang araw-araw umuuwi ka sa Disneyland.

Kulasa: Disneyland? Para ngang planetarium ang effect, nakakahilo.
Kulas: May dirty kitchen, 2 ang banyo - di ba yun ang gusto mo?

Kulasa: OK, mag down na tayo bukas.
Kulas: ANO?!!! Gusto mo yon?
[parang headlight ang mata sa disbelief]

Kulasa: Eh di ba type mo. Parang Disneyland - bagay sa atin.
Kulas: Anong bagay?

Kulasa: Eh di castle natin - castle ni Beauty and the Beast.
Kulas: He he he [sarcastic laugh] Itulak kita palabas ng kotse 'dyan makita mo.

0 ang naki-chika:

May gusto kang sabihin?

Back to Top