Sino ba si Kulasa?

Kulasa : Kulas, tulungan mo naman ako dito.
 

Kulas : Saan?

Kulasa : Dito sa blog ko. Kasi dapat may description ka tungkol sa sarili mo.
 

Kulas : Kailangan pa ba yon?
Kulasa : Oo.
Kulas : Napaka-arte naman ‘nyan!

Kulasa : Sige na….
[sabay pa-beautifl eyes effect]
Kulas : ‘Sya-sya
[favorite expression ni Kulas ‘pag naiinis na sa akin]

Kulasa : Game. Ask ka ng question tungkol sa akin. Tapos pipiliin ko yung ilalagay ko sa blog.
Kulas : Anong itatawag mo sa blog mo?

Kulasa : Kuwento ni Kulasa.
Kulas : Ano?!!!

Kulasa : Kuwento ni Kulasa.
Kulas : Kulasa? Ano naman kabaduyan yan!

Kulasa : Basta, ok na ‘to. Alias ko yan.
Kulas : Eh bakit ka susulat ng gumagamit ng alias?

Kulasa : Para medyo nakaka-intrigue, mysterious, para di nakakhiya.
Kulas : Intriguing? Ano ka artista?
Kulasa : Hmmmp. Basta, yung lang naisip ko.

Kulas : Ano naman ang laman ng iyong blog?
Kulasa : Wala, kung ano-ano, mga kwentong nangyari sa buhay ko, mga latest sa buhay natin,
mga chika, ek-ek. Halo-halo.

Kulas : Nyeta ka! Pati buhay natin i-pu-publish mo?
Kulasa : Di naman lahat ilalalad ko sa buong mundo ano?

Kulas : Sya-sya. Tama na nga
[sabay tayo ni Kulas].
Kulasa : Teka, di pa tapos. Tanong ka pa.

Kulas : Bakit mo naiisipan mag-blog.
Kulasa : Wala lang, gusto ko lang mag-try.

Kulas : Bakit gusto mo mag-try?
Kualsa : Wala lang, kasi ang dami kong nababasa na ibang blog na nakakatuwa. Kaya
gusto kong matuto na mag-blog.

Kulas : Bakit mo gustong matuto?
Kulasa : Ano ba naman klaseng question yan?

Kulas : Eh, puro – wala lang, wala lang. Anong klaseng sagot ‘yon.
Kulasa : Eh wala akong maisip na magandang sagot!

Kulas : Wala ka palang isasagot, wag ka na maglagay ng description.
Kulasa : Ehhhhhhhh. Ask ka nalang nga mga likes ko, mga peeves.

Kulas : Anong hilig mo?
Kulasa : Hilig?

Kulas : Hilig! – hilig gawin
[pagi-gil sabihin]
Kulasa : Magbasa, magluto, kumain.

Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-crossword, maglaro ng word games.

Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-cross-stich, manood ng TV.

Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-volleyball, mag-darts.

Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-surf sa net.

Kulas : Ano pa?
Kulasa : Anong ano pa? Ang dami na nyan!

Kulas : Di mo pa kasi sinasabi – mag-yosi, matulog, manood ng tsismis, mang-vetch!
Kulasa : Wag nalang nga! Ako nalang magiisip ng ilalagay ko.

Kulas : Uyyyyy, hot-headed. Not enough vitamins [pakanta-kanta pa 'to!].
Kulasa : Nakakinis ka kasi – Ano pa? Ano pa?

Kulas : Eh, sabi mo magtanong ako!
Kulasa : Iba naman itanong mo!

Kulas : Ano gusto mo maging?
Kulasa : Ano ba naman question yan!?

Kulas : Bakit, question yon ‘di ba?
Kulasa : Eh pang slum book ‘yan. Hindi pang blog!

Kulas : Sira! Ang pang slum book – favorite color, favorite dish, favorite actor.
Kulasa : Ibahin mo.


Kulas : Ilan taon ka na?
Kulasa : Di kasali ‘yan!

Kulas : Bakit? Eh description ng sarili mo gusto mong ilagay ‘di ba?
Kulasa : Eh sa ayokong sabihin kung ilan taon na ko, at tska, bawal ilagay yon!

Kulas : [tatawa-tawa] Ano naman sama noon?
Kulasa : Walang masama, basta ayokong ilagay.

Kulas : Ha ha ha – Tanda!
Kulasa : T*** na mo!

[sabay iwan kay Kulas na nagkakandaiyak sa pag tawa!]

1 ang naki-chika:

Wacky Addy said...

hello kulasa! bumibisita lang =) aabangan ang susunod mong iba-blog. keep it up!

May gusto kang sabihin?

Back to Top