Ay naku. Hindi ako nakapag post ng ilan araw. Kasi si Kulas inilipat yung computer. Dati nasa kuwarto namin. Pero talagang hindi maganda. Pag may mga gustong gumamit kailangan papasok sa kuwarto, kaya nag agree kami na labas ito.
Mayroon na akong gustong lugar na lagyan ng computer, pero si Kulas, kung saan saan gustong subukan ilagay. Pinagbigyan ko naman. Una nilagay sa tabi ng radio. Pangit. Kasi mas malaki yung mesa ng computer. Tapos nilipat namin sa malapit sa sala. Pangit pa rin. Paikot-ikot sa bahay. Akala ko nga sa kusina ilalagay ni Kulas - buti na lang hindi. Imagine, ano nalang itsura ng monitor pag natalamsikan ito ng mantika habbang nag pri-prito!
Pakiramdam ko hindi ako ang nahilo, kung tao lang itong computer, nagreklamo na rin ito.
Sa wakas, nag-compromise na si Kulas, nalagay din siya kung saan ko gusto. Yun lang nga, malayo sa linya ng telepono. Kaya kailangan pa namin bumili ng mahabang wire para ma-ka connect sa internet. Yun lang nga, medyo natagalan si Kulas sa pagbili, kaya ako natagalan mag post.
Kulasa: Nakabili ka na ng wire?
Kulas: Hindi pa.
Kulasa: Bakit??
Kulas: Ang dami ko kasing ginawa.
Kulasa: Hmmmp. Eh paano ako gagamit ng internet?
Kulas: Eh di ikabit mo muna dun sa isang linya.
Kulasa: Ano? Eh ang layo ng noon.
Kulas: Ilapit mo yung mesa.
Kulasa: Nagpapatawa ka?
Kulas: Hindi, seryoso ako.
Kulasa: Sira ka pala. Eh di nasa gitna ng dinning room yun.
Kulas: Eh ano, pansamantala lang naman.
Kulasa: Ayoko.
Kulas: Pwede naman, aabot itong wire na ito o.
Kulasa: A-YO-KO [read my lips]. Basta bumili ka na.
Kulas: Sarado na ang hardware. Bukas nalang.
Kulasa: Basta bukas bibili ka ha, promise.
Kulas: Para ka naman naglilihi.
Kulasa: Eh kasi hindi ko ma-u-update ang blog ko.
Kulas: Minsan lang naman 'yun.
Kulasa: Sige, susulat ko ikaw ang may kasalanan.
Kulas: Ako?!
Kulasa: Yup, sasabihin ko lang naman na ikaw ang cause of delay.
Kulas: 'Sya sya, bukas.
Kulasa: Thank you [with matching beautiful eyes effect].
Kulas: Hoy di bagay sa yo yan, para kang ewan.
Nakabili si Kulas ng wire. Kinabit na niya kanila, kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. Pinagluto ko siya ng favorite niyang ulam. Busog na busog si Kulas. Masaya siya. Hindi niya alam kung ano ang nasa blog ko ngayon [he he].
0
Seeing Double
Natatawa ako sa mga nakasanayan natin mga salitang Pilipino. Siguro malakas lang talaga ang imagination ko. Minsan kasi hindi ko alam kung complement o insulto angibig nilang sabihin. Kaya ako, tinatawanan ko nalang [avoiding ang wrinkles].
Kasi naman pag medyo hawig ang ugali, gamit, etc., ito ang mga sinabasi, at ito naman ang aking mga naiisip na pwedeng ibig sabihin ng
nagsalita.
* Para kayong pinagbiyak na niyong
- mukha kang nakakalbong negro
- pwede na kayong kudkurin
- tuyot na kayo, hindi na kayo fresh [as in fresh buko]
- obobs kayo, walang laman ang utak, puro tubig pag nabuksan
- nicer way of saying, mukha kang bunot [sa totoo lang]
* Para kayong kambal
- wow, kamuka ko si (isang taong maganda o guwapo)
[...you wish]
- may anak sa labas ang tatay ko?
- may anak sa labas ang nanay ko?
- ano? kamukha ko ito!
* Para kayong kambal tuko
- wala kayong silbi sa mundo kung 'di kumain ng kiti-kiti
- obobs kayo, you have nothing interesting to say
- mukhang kayong barriotik o promdi, baduy kayo
- magkamukha na nga kayo, mukha pa kayong butiki
* Para kayong binagbiyak na inidoro
- ang panghi ng arrive ninyo
- ang sarap ninyong i-flush [bakit kaya]

Posts
Hindi ako nakapag-post sa blog ko kahapon. May mga bisita kami ni Kulas sa kubo at medyo ginabi na sila sa pag uwi [in short, umaga na]. Ito pa lang si Kulas ay binabantayan ang blog ko. Siguro gusto niyang malaman kung paninindigan ko ang regular na pag-update nito. Well, hindi nga regular pero mayroon naman.
Kulas: Milagro, hindi yata kita nakitang mag computer buong araw.
Kulasa: Ayaw mo noon tipid sa kuryente.
Kulas: Eh 'di hindi ka nag post ng blog mo ano?
Kulasa: Nag post.
Kulas: Kailan?
Kulasa: Kahapon.
Kulas: Kahapon? [nakataas pa ang kilay]
Kulasa: OK, noon isang araw.
Kulas: Bakit di ka nag post kahapon.
Kulasa: Hello, parang may bisita tayo ano.
Kulas: So, sabi mo sandali lang mag post.
Kulasa: Oo nga, pero matagal mag isip at mag-type.
Kulas: Huuuu, palusot!
Kulasa: Maganda nga kung araw-araw kang may post.
Kulas: Pero.....
Kulasa: Pero hindi required.
Kulas: Huuuu, palusot ka talaga.
Kulasa: Hindi ah. Wala naman nakasulat na dapat daily ang pag post.
Kulasa: At saka, napuyat tayo, paano ako mag po-post?
Kulas: Sabi ko na nga ba hanggang umpisa ka lang.
Kulasa: Di pa naman tapos ang araw, pwede pa.
Kulas: Ngayon mag po-post ka kasi nasita kita.
Kulasa: Hindi, mag po-post ako para may mabasa ka.
Kulas: Huuuuu.
Kulasa: Kung di ka nagbabasa, paano mo nalaman hindi ako nag post?
Kulas: Kasi hindi ka gumamit ng computer.
Kulasa: Huuuuu, palusot! [beh!]

Nguya
Plat, plat, plot, plat, plat, plat. Swiiiiiip, swiiiiip, shuuuuu,shuuuuu, swiiiiiiiiiiiiip.
Ganyan ang mga tunog ng tao maingay kumain. Kapag kasama kong kumain ang isang taong ganito ay nakakawalang gana. Alam ko na sa ibang bansa accepted daw yung paghigop ng sabaw na maingay. Medyo ito natatagalan ko pa. Pero kapang nagunpisa ng ngumuya ng pakaingay-ingay, turn-off na talaga ako.
Kasi naman hindi sarhan ang bibig pag ngumuya. Actually, hindi na bibig ang tawag dito - bunganga na.
Lalo na kapang napakalaki ng isinubo. Yung bang mukhang puff fish o parang lobong hinipan ang pisngi sa dami ng laman. Sasabayan pa ng pag salita. Anak ng tipaklong! Parang gusto mong batukan kaya lang pinipigilan mo ang sarili at baka maibuga niya yung kinakain niya sa kanyang kaharap.
Hindi ako imbiyerna sa ibang eating sound effects. Madalas, ibig sabihin nito masarap ang luto mo. Tulad ng, hmmmm [pag mabanggo], yum o yum-yum [pag tama ang timpla] , grrrrrrr [pag tama ang asim]. Pero kapag naman ang kasabay ko ay parang bakyang kinakaladkad sa inggay, naririndi ako.
At least may consolation, at hindi sila mainggay uminom. Hindi parang asong uhaw sa tubig. May lull din pala sila.

Supermarket
Pag napupunta kami sa supermarket di ko mapigilan ang maii-nis minsan. 'Di lang kay Kulas, pati na din sa mga ibang taong na parang walang pakialam sa mundo.
Kasi si Kulas, gusto n'yan alam mo na ang bibilin mo. Tipo bang pag dating mo sa supermarket naka-map na ang route mo base sa mga bibilhin mo. Ayaw niyan ng masyadong matagal. 'Di ko naman alam kung bakit siya naii-nip. Bakit ba karamihan ng mga lalaki pag dating sa pag shopping o sa pamamalengke laging nagmamadali, parang sinisindihan ng lighter ang mga wetpaks.
Ako kasi, kahit na may listahan ako ng dapat kong bilhin, ugali ko talaga na dadaanan ko ang bawat aisle, bawat kanto, bawat tambak. Paano kung may nakalimutan akong isulat sa listahan o kaya may naiisip akong bagong lulutuin, o kaya may bargain?
Ang pinang-gigigilan ko naman kay Kulas ay yung lagay ng lagay ng mga ek-ek sa cart. Tapos di naman pala bibilhin at isasauli din sa shelf. Grrrrrrrr.
At least si Kulas nagsasauli sa tamang shelf. Bilin na bilin ko 'yon sa kanya kasi naiinis ako doon sa mga taong kukuha ng delata tapos iiwan sa lalagyan ng mga sabon! O kaya yung bang pindot ng pindot ng mga gulay o prutas, 'di ba nila alam na nalalamog 'yon? Sila kaya ang pakainin ko ng bugbog na pipino.
Yung iba naman, pinagagalitan yung mga anak nila kasi may gustong pabili. Tipo bang nag-aalburoto na yung bata at may ipinipilit sa nanay. Hindi naman masama na isama nila yung mga bata pero as a responsible parent dapat kausapin nila yung mga anak nila bago umalis ng bahay. Sabihan nila na wag magpipilit bilhin ang lahat ng gusto. Hindi maganda kasi yung papaluin, awayin, o pagagalitan yung bata sa supermarket. 'Di ko nga alam kung kanino ako maaawa, sa nanay o sa bata. Kasi minsan pareho ko silang gustong upakan.
Lately, isa pang naiimbiyerna ako, ay yung mga batang naka suot ng rubber shoes na may gulong. Ay naku. Kung hindi lang talaga masama ang manumpa, marami na akong nasabihan ng - makabangga ka sana ng mababasagin.
Hindi pangit bumili nito sa mga bata. Pero dapat alam nila kung saan ito tamang gamitin. Wag naman nilang gawin isang malaking skating rink ang buong Pinas.
Kulas: Bakit ka iingkad-ingkad.
Kulasa: Bwisit kasi yung bata, sinagasaan yung paa ko.
Kulas: Nasagasaan ng ano?
Kulasa: Ng sapatos niya!
Kulas: Wag mong sabihin pinatulan mo yung bata?
Kulasa: Hindi, gusto mo 'kong ma-Bantay-bata?
Kulas: Eh ano ginawa mo.
Kulasa: Kinausap ko yung nanay.
Kulas: Kinausap mo o tinarayan mo?
Kulasa: Sinabi ko lang naman kung anong nagawa ng anak nya.
Kulas: Tapos [natatawa].
Kulasa: Wala. Yun lang.
Kulas: Tigilan mo nga ako. Kung kilala kita, itnakot mo pati nanay.
Kulasa: 'Di naman ako terrorista.
Kulas: Huuuuuu.
Kulasa: Halika ka na, matapos na ito, masakit ang paa ko.
Kulas: Baka lagnatin ka! Sandali lang tayo dito?
Kulasa: Che! Masakit na paa ko.
Kulas: Wala na 'kong sinabi [tatawa-tawa pa].
Kulasa: Wag kang tatawa-tawa 'dyan, baka gusto mong apakan ko yan paa mo!

House Hunting II
Adventure No. 2
Itutuloy ko yung kwento ko tungkol sa ibang bahay na tinignan namin ni Kulas. Ito yung bahay na napakaraming dwende sa garden. Baka akala ng iba 'dyan may third eye ako - wala ha. Ang mga dwendeng ito ay gawa sa cemento.
Harap pa lang ng bahay dwende na kaagad ang haharap sa iyo. Pagpasok mo may mga dwende na nasa slide. Tatlo ang pababa, may isang paakyat, at yung isa naman mukhang kabababa lang. Meron pang dalawa na patakbo sa hagdan ng slide.
Pag liggon mo, mga dwendeng na nag-ri-Ring-Around-The Rosey. Di naman umiikot. Pero lahat nakatawa. Meron ngang isa humahalakhak, tipong kita na ang tonsils sa tuwa.
Pag tinggin mo sa kabila - dwede pa din. Para silang isang barkadang dwende na nakatambay sa kanto. Mayroon nasa ibabaw ng mushroom - nag-gui-guitara pa! Tapos yung iba nakaupo, pakanta-kanta effect. Parang mga lasing. Yung iba naman sa paligid, nagsasayaw - pero mukha silang kasali sa Statue Dance na may kasisigaw lang ng STOP!.
Pagikot mo - dwende? EEENG, hindi, isang pamilyang kuneho [as in rabbit]. May Father Kuneho, Mother Kuneho, and may tatlong baby Kuneho. 'Wag ka, hindi sila ornidaryong kuneho, titanic sila. Ang lalaki! Ngayon lang ako nakakita ng mga kuneho na kahos kasing laki ko yung Mother Kuneho.
Kulas: Ito na yata yung bahay.
Kulasa: Kulas, tignang mo yung garden, may dwende.
Kulas: Baka yan ang may ari. Magandang hapon po. [sabi ni Kulas sa dwende].
Kulasa: Ano ka ba, hindi yan, ito. Magandang hapon po [sabi ko naman doon sa isang dwende].
Magandang hapon naman!
Sabay kaming napatayo ni Kulas. Kasi akala namin nagsalita ng yung dwende, yun pala yung bantay ng bahay. Muntik na kaming magtawanan sa reaction namin. Buti nalang napigilan. Buti nalang din hindi mukhang dwende yung bantay.
Kulasa: Ano ba 'to, puro dwende. Pati dito sa garden sa loob.
Kulas: Mali ka 'dyan. Tinggin ka dito.
Kulasa: It's the Kuneho Family! ['ala Family Feud effect].
Kulas: Shhhhhh.
Kulasa: OK lang kaya kung upuan ko yung isang baby kuneho?
Kulas: Magtigil ka nga 'dyan.
Kulasa: Sige, kunan mo nalang ako ng picture katabi si Father Kuneo.
Kulas: Isa....
Kulasa: Bakit kaya ang daming dwende dito?
Kulas: Baka fan sila ni Dobbie [sa Harry Potter 'ba]
Kulasa: He he he [sarcastic laugh].
Kulas: Baka si anak sila ni Snow White.
Kulasa: Sira, si Prince Charming ang napang-asawa noon.
Kulas: Eh di nasinggitan sya ni Doc.
Kulasa: Ngyek. Ngyek. Corny mo. Di ka nakakatawa.
Kulas: Baka anak sila ni Mother Kuneho.
Kulasa: Ano?
Kulas: 'Di mo ba alam na ang kuneho madami mangganak.
Kulasa: Eh, bakit wala isa sa kanila mukhang kuneho.
Kulas: Eh bakit lahat ng sumbrero nila may parang buntot ng kuneho sa dulo.
Kulas: Alam ko na....
Kulasa: Tama na, ayoko na.
Kulas: seven...eight...nine...ten...eleven
Kulasa: Anong ginagawa mo?
Kulas: Binibilang ko yung dwende.
Kulasa: Magtiggil ka nga. Uwi na tayo. [sabay hila kay Kulas na tatawa-tawa]

House Hunting
Adventure No. 1
Lahat tayo may pangarap na magkaroon ng sariling tahanan. Kami ni Kulas ay nabiyayaan at nagkabili na din kami ng sarili namin kubo. Maliit man siya pero maitatawag namin sarili namin bahay. Masaya ako dahil napakadaling linisin.
Nahirapan kaming humanap ng bahay ni Kulas. Napakadami namin tinignan. May napuntahan kaming magaganda pero maganda din ang presyo - parang abot langit! May mga pasok sa budget yung lang pero marami akong hindi type doon sa mga 'yon.
May isa, ang daming dwende [as in, mas marami pa sa dwede ni Snow White] at kabute [may dotted, may plain, may stripes] at may malaking rabbit pa!
Yung isa naman puro fake na sangga ng puno sa bakod- gawang cemento. OK sana, pero pinintahan nila ng kulay pink [with matching brown streaks para 'ala totong puno effect].
Meron naman isa, hindi nagtipid sa pintura - ang daming kulay!
Kulasa: Wow colors naman ito.
Kulas: Shhhhhh.
Kulasa: Bakit orange ang kwarto? [room no. 1]
Kulas: Shhhhhh.
Kulasa: Galit na galit itong pink o. Shocking kulay. [room no. 2]
Kulas: Shhhhhhh.
Kulasa: Tignan mo yung kulay nito, cute, Smurff blue! [room no. 3]
Kulas: Marinig ka!
Kulasa: La la la la la [singing the Smurffs theme song]
Kulasa: Ooh la la - dirty kitchen - epol greyn.
Kulas: Shhhhhh.
Kulas: Ikaw ang ingay-ingay mo kanina.
Kulasa: Bumubulong naman ako.
Kulas: Oo nga, pero yan bulong mo parang busina ng barko.
Kulasa: Ooooong, ooooong [Titanic horn imitation]
Kulasa: O bakit ka pangiti-ngiti, natatawa ka din 'no?
Kulas: Masaya lang ako.
Kulasa: Bakit? Don't tell me type mo yung bahay.
Kulas: Eh kung sabihin ko sa iyo oo.
Kulasa: ANO!!! Matira ka doon mag-isa!
Kulas: Ayaw mo noon, parang araw-araw umuuwi ka sa Disneyland.
Kulasa: Disneyland? Para ngang planetarium ang effect, nakakahilo.
Kulas: May dirty kitchen, 2 ang banyo - di ba yun ang gusto mo?
Kulasa: OK, mag down na tayo bukas.
Kulas: ANO?!!! Gusto mo yon? [parang headlight ang mata sa disbelief]
Kulasa: Eh di ba type mo. Parang Disneyland - bagay sa atin.
Kulas: Anong bagay?
Kulasa: Eh di castle natin - castle ni Beauty and the Beast.
Kulas: He he he [sarcastic laugh] Itulak kita palabas ng kotse 'dyan makita mo.

Comment
Kulasa: Kulas, halika tignan mo, may nag comment sa blog ko!
Kulas: Ano sabi - may violent reaction ba?
Kulasa: Hindi ahh. Eto basahin mo [shows Kulas the comment].
Kulas: Eh bakit ngayon mo lang nalaman na may comment.
Kulasa: Kasi yun mga unang post ko 'di ako nag allow ng comments.
Kulas: Bakit?
Kulasa: Basta. Parang nakakahiya.
Kulas: Pagkatapos mong iladlad yung mga ka-ek-ekan mo?
Kulasa: Eh, kasi nga di ko alam kung ok itong ginagawa ko.
Kulas: Eh paano mo malalaman kung walang comments?!
Kulas: Paano mo nga nalaman na may comment?
Kulasa: Sabi ni Bulak.
Kulas: Ni Bulak? Paano niya nalaman na may comment?
Kulasa: Eh di binasa niya yung blog. Alangan may bumulong sa kanya.
Kulas: Akala ko ba hindi mo paaalam sa kanila na may blog ka.
Kulasa: Eh kay Bulak lang naman.
Kulas: Kahit na,mamaya may malagay ka 'dyan 'di maganda.
Kulasa: Wala naman akong isusulat na masama.
Kulas: Ikaw pa!
Kulasa: O sige, wala na lang akong sasabihan iba.
Kulas: 'Bat mo nga pala sinabi.
Kulasa: Kasi gusto ko malaman kung ano sasabihin nila.
Kulas: Gusto mo malaman kung ano sasabihin nila tungkol sa blog mo.
Kulasa: Yup.
Kulas: Tapos hindi mo palalagyan ng comment.
Kulasa: Noon 'yon.
Kulas: Eh ngayon.
Kulasa: Palalagyan ko na.
Kulas: Alam mo, ang gulo mo.
Kulasa: 'Di nga, ano sa tingin mo, palalagyan ko o hindi?
Kulas: A ewan - NO COMMENT!
Kulasa: 'Di walang comment kung wala.
Kulas: Hindi 'yon ibig kong sabihin.
Kulasa: Alam ko, ginagantihan lang kita kasi nang-iinis ka.

Cholesterol
Bakit pag Sunday madalas masarap ang pagkain? Kahit na dalawa lang kami ni Kulas sa bahay, we make it a point na pag nasa kubo ng Linggo, eh medyo masarap ang kakainin. 'Yun lang nga, minsan ang nakakain natin food eh hindi nga naman healthy - and we are all guilty
[tamaan na sana ng kidlat ang hindi umamin!]
Tulad nalang ng kinain namn ni Kulas today. Roast pork for lunch [with matching cranberry sauce 'say mo!], hotcake sa merienda, at chicharon bulaklak and roast pork ulit [as in replay, ininit] sa hapunan. Sa totoo lang, binusog ko si Kulas ng hotcake para 'di na kumain ng madami sa gabi.
'Di ba nakaka-guilty 'yon. Can you just imagine the amount of cholesterol! Masama sa katawan, pero ang hirap pigilan ng sarili. Lalo na pag malutong yung chicharon tapos sasawsaw mo sa suka - grrrrr.
Na-guilty talaga ako ng buksan ko yun ref para initin yun ulam. Over sa sebo! Siguro naman madali ninyong ma-imagine ang itsura ng mantikang tulog. Ito ang dahilan kung bakit bukas, gulay ang kakainin namin ni Kulas!
Kulas: Kuls, ano ulam? [as in 5:30 palang, kakakain lang ni Kulas ng hotcake]
Kulasa: Ulam? Gutom ka na?
Kulas: Hi-hindi naman, tanong lang ako [huuu - sinungaling!]
Kulasa: Wala tayong ulam [with conviction effect 'ba] .
Kulas: Anong walang ulam!? [panic mode si Kulas]
Kulasa: Wala, as in none, zero, nada - wala.
Kulas: Tignan mo laman ng freezer. [uy, nangigigil]
Kulasa: Walang laman ang freezer [period]
Kulas: Meron! [siya naman ang may conviction effect]
Kulasa: Wala! Hindi naman tayo nag-supermarket eh.
Kulas: Labas mo yung liempo.
Kulasa: Anong liempo? [ngyek!]
Kulas: Yung nasa lalagyan na bilog, nakatimpla na 'yon.
Kulasa: Wala tayong liempo.
Kulas: Meron! Pwede ba buksan mo yun freezer. [papunta na si Kulasa sa ref]
Kulas: Nga pala, yun freezer, yan yung maliit na pinto sa loob ng ref.
Kulasa: Alam ko kung ano ang freezer!
Kulas: Di mo kasi binubuksan kaya di mo alam ang laman.
Kulasa: Di mo kasi binubuksan kaya di mo alam ang laman [pabulong syempre].
Kulas: Ano 'yon?
Kulasa: Wala....
Kulasa: Alin dito?
Kulas: 'Yun lalagyan na bilog.
Kulasa: YUK! Ano ito! [pagkabukas ng lalagyan]
Kulas: Patingin nga. E pang chicharon bulaklak 'yan.
Kulasa: Wow! [medyo nakakalaway naman talaga eh]
Kulasa: Eto pala yung liempo [after making kalkal the freezer]
Kulas: Wag nalang, ito nalang chicharon. Initin nalang natin 'yun roast pork.
Kulasa: Ikaw, kung ok lang sa 'yo [pa-concern effect pero happy na 'di magluluto]
Kulasa: Luluto mo ba lahat 'yan?
Kulas: ANO!? Baka gusto mong di ka na magising bukas!
Kulasa: Nagtatanong lang naman.
Kulas: Manood ka na lang nga ng TV, ako na bahala dito.
Kulasa skips off to sit down and watch TV while drinking coke and making yosi. Kulas was left sweating ang fighting over the tumatalamsik na mantika at the kitchen. GO KULASA!

Langgam
Anniversary ngayon ni ermat. Apat na taon na silang magkasama ni erpat. Dinalaw ko sila sa Manila Memorial Park. Dinalhan ko sila ng bulaklak. Bumaba din si Kulas.Napalingon ako sa paligid.
Medyo madaming mga dahon nagkalat. Wala naman bagong neighbor sila parents pero parang may fresh tractor tracks sa paligid. Buti nalang at alam ko ang itsura ng lupang bagong hukay at sigurado akong hindi ito mga mina ng kalabaw. Para kayang may kalabaw sa memorial park.
Kulasa: Bakit ang dumi dito?Medyo madaming mga dahon nagkalat. Wala naman bagong neighbor sila parents pero parang may fresh tractor tracks sa paligid. Buti nalang at alam ko ang itsura ng lupang bagong hukay at sigurado akong hindi ito mga mina ng kalabaw. Para kayang may kalabaw sa memorial park.
Kulas: Bagong putol yung mga puno.
Habang ako'y na-eemote sa puntod ng aking mga magulang. Biglang nasapigaw si Kulas.
Kulasa: Bakit?
Kulas: Nyeta, ang daming langgam.
Kulasa: Saan galing?
Kulas: Eh, 'di dito sa inaapakan ko. Saan pa ba, sa langit?
Si Kulas naman ang nag-emote.
Kulasa: Halika 'na.
Kulas: Ang bilis mo naman.
Kulasa: Padilim na.
Kulas: Bakit ka nagmamadli? Tatakasan mo yung bantay ano?
Kulasa: Shhhhh.
Kulas: Anong, shhhhh.
Kulasa: Tatakasan? Eh 'di nga nagpunta dito.

Kulas: Paano mo naman nalaman? May ESP ka?
Kulasa: Madumi ang paligid ano! Eh, 'di hindi naglinis.

Kulas: 'Sya-sya. Intayin natin. Alam noon may pupunta dito ngayon.
Nagintay kami ni Kulas.
Inabutan na kami ng pagdilim.
Inabutan na kami ng pagdilim.
Umalis ako na masaya, kasi hindi tinakasan ko ang bantay.
Umalis ako ng masaya, kasi si Kulas, hanggang kotse, kating-kati.
Posing
Hindi naman ako si Maria Clara.
Kaya lang pag naririnig ko yung mga balitang tungkol sa mga babaing nag posing sa Baywalk nang-gigigil talaga ako. Pictorial daw, pictorial my foot. May wrap naman daw sila. Wrap? Kapote! Buti sana kung kapote ng bumbero ang suot-suot nila pero grabe ala-cellophane sa nipis. Isa pa, may pa-flower-flower pa sila - to cover their vital parts. Maraming salamat ha.
Lahat naman ng taong andoon halos maputol na siguro ang leeg kakasilip. Pati mga batang paslit. Ayun, nagka buhol-buhol ang traffic. Pasalamat sila at di ako doon dumadaan.
I do not want to discuss morality or decency. Everyone is entitled to their own opinion. I just want to say my piece.
There is a fine line between what is artful and what is trashy. Sa kanila, the usual, nakakasawang, proverbial excuse - "for Art's sake". Art's sake my foot - foot*ng na 'nyo!
Kulas: O ano nanaman 'yan? Nang gagalaiti ka nanaman.
Kulasa: Panoorin mo itong nasa news.
Kulas: Tungkol?
Kulasa: Yun mga chika-babes na nag pictorial daw sa Baywalk.
Kulas: Ano, inalon?
Kulasa: Hindi. Eh halos hubot-hubad na.
Kulas: Nyeta 'ano.
Kulasa: Ayun, nag-traffic sa Manila.
Kulas: Tapos.
Kulasa: Hinuli sila, kinulong, tapos pinakawalan din.
Kulas: Patingin nga. [sabay tabi at uupo sa silya kung saan ako andoon]
Kulasa: Kulas! Baka bumigay ang silya.
Kulas: Hoy, excuse me - pwede 'dyan hanggang 250 lbs.
Kulasa: Bakit? Ano akala mo sa akin 20 lbs?
Kulas: Unggoy! [sabay patay ng TV]

Three Kings
Naniniwala ba kayo kay Santa Claus? Noon maliliit pa kami, may Three Kings pa kami noon.
Pero ang sabi ni erpat, hindi mayaman ang Three Kings, kaya ang mga laruan hindi mahal. Isang gift lang galing sa kanilang lahat ang matatangap mo - pag mabait ka. Pag salvaje ka, bato ang bibigay sa iyo [ilan bato na din ang natanggap ko].
Kaya every Three Kings, nilalagay namin ang mga sapatos namin sa may bintana [siyempre bago, pang-Pasko] . Tapos, lalagyan namin ng damo - para sa mga camel. Of course, 'di dapat malimutan yung may dala ng gift! Tatlong platito na may biscuit at tatlong bote ng Cosmos [yes, as in Sarsi, in bottles - di pa kasi uso ang in can].
Sungit: Kulasa, may Three Kings ba talaga?
Kulasa: Meroon. Bakit? 'Di ka naniniwala?
Sungit: Naniniwala, eh 'di wala akong natanggap na gift!
Sungit: 'Di kaya sila erpat lang 'yon?
Kulasa: Bakit mo naman naisip 'yan?
Sungit: Kasi isa lang yung gift natin.
Kulasa: So? [leaves Sungit thinking - di nga naman kuripot sila erpat]
Sungit: Eh bakit nga isa lang regalo natin, eh tatlo sila?
Kulasa: Kasi nga poor sila.
Sungit: Poor ? 'Di ba King sila?
Kulasa: May kotse ba sila?
Sungit: Wala.
Kulasa: May sled ba sila?
Sungit: Wala.
Kulasa: Yung 'bang camel nila may ilaw sa ilong?
Sungit: Wala.
Kulasa: Kitam, wala nga silang pambili ng ng pagkain.
Sungit: Kaya ba iniiwanan natin sila ng biscuit?
Kulasa: Yup, pati nga camel nila gutom na gutom.
Sungit: Kawawa naman. Tapos damo lang iniiiwan natin [ma-iyak-iyak]
Kulasa: Isipin mo nalang ito.
Sungit: Ano? [pasinghot-singhot sa awa sa camel]
Kulasa: Paano uubusin ni erpat ang tatlong boteng Cosmos?
Sungit: Ahhh, oo nga.
Later in life, nalaman ko ang secreto at ang gamit ng basyong bote.
Yanig
Nagising ako bigla ngayon umaga. Nagkakahulan ang mga ako.
Si Kulas, nakasilip sa bintana. Alas-tres na pala ng madaling araw.
Kinabakan ako baka may magnanakaw.
Kulasa: Kulas, bakit?
Kulas: Limilindol.
Kulasa: Saan?
Kulas: Dito! 'di mo ba naramdaman?
Kulasa: Hindi.
Kulas: Eh yumanig ang kama.
Kulasa: Lindol pala iyon, kala ko sa bigat mo lang.
Kulas: Matulog ka na nga ulit!

Afternoon Delight
Bata pa lang ang mga kapatid at pinsan ko, feeling nila ubod sila ng talino.
Sila Bossing may tindahan. Madalas silang mangupit ng bubble gum. Madalas din naman silang mahuli.
Hindi mo talaga mapipigilan ang kakulitan ng mga iyon. Madami na silang nagawang kalokohan.
Bossing: Tignan ninyo nakuha sa labas.
Bolong: Ano yan?
Indio: Cosmos? [yes, as in Sarsi]
Bossing: Hindi, basahin ninyo
Bolong: Brake Fluid!
Indio: Ano naman gagawin natin 'dyan?
Bossing: Eh, di iinumin!
Indio: Bakit?
Bolong: Para magaling tayo mag-stop pag tumatakbo!
Bossing: Oo, tsaka lasang juice to.
Bolong: Sige, kuha ka na ng baso.
Bossing: Toast. Toast.
Ayun, ininom ng tatlong kulugo yung brake fluid. Buti nalang hindi inubos, kasi, according to their story - malaming ang brake fluid pero ang sama daw ng lasa.
Anyway, after a few minutes, sinubuhan na nga kung effective. Tatakbo, tapos stop. Tatakbo, tapos stop. Mayamaya huminto na sila at nagsiupuan, dumating na nga ang nanay ni Bossing.
Ina Magenta: Kakain na!
Ina Magenta: Mga bingi ba kayo? KAKAIN NA!
Ina Magenta: Ano? Wala nanaman kayong gana?
Ina Magenta: Hala. Ilan Texas ang dinukot ninyo sa tindahan ko!?
Ina Magenta: 'Bat, ang puputla ninyo?
Ina Magenta: Lint*k na mga batang ito! Ito ba kinain ninyo? [sabay turo sa lata]
Bossing: Hindi po, ininom po namin.
Ina Magenta: Pisolopo ka pa!
Ina Magenta: P*taragis! ININOM NINYO ITO? [panic time]
Ina Magenta: GUSTO BA NINYONG MAMATAY?
Ina Magenta: *^%$#@! *&^%$#! ^$#@$!
Pinainom sila ng Cosmos na may maraming asukal. Awa ng Diyos di naman sila kinailangan dalhin sa ospital. 'Yun lang nga tanggal ang tutuli nila sa sermon ni Ina Magenta.

Childlike Innocence
Minsan ang mga bata. talagang nakatuwa. Tulad nalang ni Bambam.
Noon bata pa siya at bagong pasok sa school naguusap sila ng nanay niyang si Sungit.
Sungit: Hi Bambam, what did you learn in school today?
Bambam: We learned about flowers.
Sungit: Really? How nice! Sige nga, what flowers do you know?
Bambam: Gumamela, Ylang-ylang, Sampaguita.
Sungit: Sampaguita? Sampaguita is our national flower.
Bambam: It's a what flower, Mom?
Sungit: National anak. It means that it is an important flower.
Bambam.: Are there other "nationals"? [bata nga naman]
Sungit: Yes, we have a national bird, national hero....
Bambam: Hero? [wide-eyed and surprised]
Sungit: Yes.
Bambam: CAN HE FLY?
Ang influence nga naman ng mga cartoons sa buhay ng tao!
Writer’s Block
Kulasa : Kulas, tulong. Wala akong mailagay sa blog ko.
Kulas : Yan daldal mong ‘yan wala kang maisulat?
Kulasa : Sige na, bigyan mo ako ng topic?
Kulas : Eh di magsulat ka tungkol sa binasa mong libro.
Kulasa : Ayoko noon. Para naman high school, magsusulat ng book report.
Kulas : Ga*a, book review.
Kulasa : Ayaw. Tsaka na ‘yon. Iba nalang.
Kulas : Sulat ka tungkol sa ginawa mo sa office.
Kulasa : Ayoko non. Baka matanggal pa ako sa trabaho.
Kulas : Tungkol sa pagluto. Mga receipes.
Kulasa : Later na ‘yon. Para today lang.
Kulas : Ano ba ‘yan. Dapat ba araw-araw may bago?
Kulasa : Di naman, pero mas maganda kung updated yung blog mo.
Kulas : Updated? Ikaw? Eh yung checkbook mo nga buwanan mo ina-update.
Kulasa : Iba yon!
Kulas : Sulat ka tungkol sa pamilya mo.
Kulasa : Wag muna.
Kulas : Sulat ka tungkol sa hobbies mo.
Kulasa : Corny!
Kulas : Sulat ka tungkol sa mga angst mo.
Kulasa : Wag nga munang ganoon. Pag napagararal ko kung paano mag laygay-lagay ng mga topics doon ko uumpisahan yon.
Kulas : Eh, anong gusto mong isulat?
Kulasa : Wala nga akong maisip kaya nga tinatanong kita.
Kulas : Ang dami ko ngang na-suggest puro ayaw mo naman.
Kulasa : Eh kasi sa future posts ko yan balak ilagay, ‘di muna ngayon.
Kulas : Sulat ka tungol sa mga kaibigan mo.
Kulasa : Wag ‘yon.
Kulas : Sulat ka tungkol sa akin.
Kulasa : Bakit? [sabay taas ng kilay]
Kulas : Eh, wala na akong maisip na topic na pwede mong isulat.
Kulasa : Ang daming topic na pwede mo i-suggest.
Kulas : Tulad ng?
Kulasa : Kaya nga ako nagpapatulong, wala akong maisip.
Kulas : Sumulat ka tungkol sa mga Nanay at Tatay mo.
Kulasa : Wag muna – baka maiyak pa ko.
Kulas : Mag surf ka kaya muna, para makahkuha ka ng idea.
Kulasa : Ayoko, baka sabihin gaya-gaya lang ako.
Kulas : Sa dinami-dami naman ng blog siyempre may topic na magkahawig.
Kulasa : Oo nga, pero gusto ko medyo kakaiba ang dating ng topic ko ngayon.
Kulas : Isulat mo kung paano umaandar ang electric fan.
Kulasa : Ano naman malay ko ‘don!
Kulas : Magsulat ka nalang ng kahit ano.
Kulasa : Eh wala nga akong maisip.
Kulas : Eh di isulat mo na wala kang maisip na isusulat.
Kulasa : Galing mo talaga! [sabay smile]
Kulas : Ano?
Kulasa : Susulat ako na wala akong maisip na maisulat.
Kulas : Ang gulo mo!

Sino naman si Kulas?
Si Kulas ang aking partner sa buhay.
Masipag at matiyaga sa akin si Kulas. Minsan lang nga feeling ko parang gusto niya akong umbagan. Buti nalang hindi violent si Kulas. I-iwas nalang ‘yon at kakikining ng kanyang makalumang tugtugin.
Ako kasi mahilig ako sa mga kantang ‘80’s. Si Kulas – ay naku, kahit na 19-kopong-kopong pa ang kanta – alam niya! Pati mga kundiman sinasabayan niya sa radio. Punta kayo sa kubo namin pag Sunday at talaga naman! Yung ngang si Jujay laging nasasabihan ni Kulas – “Don’t change that station! Never on a Sunday!”
Magaling magluto si Kulas. Yung alam niyang lutuin – di ko alam. Vice-versa. Kaya nga magmula ng makasama ko si Kulas, di na bumalik sa dati ang waist line ko!
Si Kulas walang masamang bisyo – yosi lang siguro, pero aaminin ko mas malakas akong mag-yosi kaysa kanya.
Mabait sa mga pamangkin ko, sa mga kapatid ko. Sayang lang nga di siya nakikila ng Tatay ko. Pero ok siya sa Nanay ko. At least nalaman ko ito bago sumama si Nanay kay Tatay sa heaven.
Ok din magsayaw si Kulas. Mahusay mag-swing. Pero wala siyang balak ma D.I. Mahilig kumanta, pero hindi pang-contest ang boses.
Madaling makipag kaibigan si Kulas. Walang pinipiling tao. Yun lang nga medyo hirap tumanda ng pangalan. kaya pag tinawag ka niyang - Bossing, 'Pre, 'Tol, Sir, SeƱor, 'Dong, 'Toy, Ma'am, Madam, Miss Beautiful, Inday, alam mo na kung bakit.

Hindi boring pagkasama mo si Kulas. Dadalawa nga lang kami sa bahay pero never akong nalungkot.Madalas kaming magtuksuhan, mag pikunan. Masakit lang nga mangiliti si Kulas. Kaya pag habulan na at gantihan kiliti, ayun hinihingal na kami pareho.
Minsan si Kulas naman ang makulit. Pero yung ang spice sa buhay namin
Swerte ako kay Kulas ano? (Pero mas swerte siya sa akin – he he)

----- o ----- o ----- o ----- o ----- o ----- o ----- o
Kulas : Huy, ano nanaman ‘yan pinagsususulat mo ‘dyan?
Kulasa : Tungkol sa ‘yo.

Kulas : Tungkol sa akin? Bakit?
Kulasa : Lalagay ko sa blog.
Kulasa : Lalagay ko sa blog.
Kulas : Ano! Magtigil ka nga ‘dyan.
Kulasa : Basahin mo muna. [Binasa naman ni Kulas]
Kulas : Aba, parang santo ang dating ko!
Kulasa : Eh ano gusto mong ilagay ko?

Kulas : Lagay mo kamuka ko si [nabgibay ng pangalan ng artistang ubod ng guwapo].
Kulasa : Ano ka hilo!
Kulas : [na-tatawa] Bakit? Di ba kamuka ko naman talaga [sabay posing at pakita ng profile].
Kulasa : Pwede ba, ang cheap mo! Ayaw kong magsinungaling. Sabi nga ni Starstuck– “Liers go to hell.”

Kulas : Ah ganoon, eh bakit nilagay mo na maswerte ako sa iyo.
Kulasa : Totoo naman ‘yon di ba?
Kulasa : Totoo naman ‘yon di ba?
Kulas : Ang tindi talaga ng imagination mo!
Kulasa : Sige papalitan ko [daring effect ba].
Kulas : Wag na, tama na ‘yan [biglang kabig] .
Kulasa : Hu, palibhasa sabi ko masipag ka.

Kulas : Masipag naman talaga ‘ko ah.
Kulasa : Oo, parang ngayon, masipag kang mang-asar.
Kulas : At least inamin mo na mas malakas kang mag-yosi.
Kulasa : Che, kulang nalang nga ilagay ko baduy ka!

Kulas : Who me? Talking to me? I’m not baduy.
Kulasa : Ewan.
Kulasa : Ewan.
Kulas : I’m In, not Out!
Kulasa : Ewan.
Kulasa : Ewan.
Kulas : I know the latest dance craze! [sabay pa-ballet-ballet]
Kulasa : Yuk! Ewan.
Kulasa : Yuk! Ewan.
Kulas : Why? That’s not baduy. Pag nanunood ka ba sa CCP ng ballet, baduy?
Kulasa : Hindi.
Kulas : Kitam. Eh ikaw nga diyan mahilig manood ng…..
Kulasa : Tama na Kulas, papalitan ko nakasulat dito [sabay harap sa PC].
Kulas : Pikon!

Karakters
Starring:
Kulasa - Ako
Kulas - Labs ng buhay ko
Kulit - Aso naming ni Kulas
Ermat - Nanay ko.
Erpat - Tatay ko.
Kamag-anak:
Sungit - Kapatid kong babae. Dahilan kung bakit Taglish ang blog ko!
Rocky - Asawa ni Sungit. Kababata namin. Astig.
Bambam - Panganay ni Sungit at ni Rocky. Unang pamangking lalake.
Pebbles - Babaing anak ni Sungit at ni Rocky. Alaga ko.
Bolong - Kapatid kong lalaki. Spitting image ni erpat.
Diva - Asawa ni Bolong. Magaling kumanta.
Divette - Panganay ni Bolong at Diva. Magaling din kumanta.
Starstruck - Anak na lalaki ni Bolong at Diva. Magaling kumanta at umarte.
Bubwit - Bunsong anak ni Bolong at Diva. 2 yrs old. 'Di pa nadi-discover.
Indio - Bunso kong kapatid na lalaki. Mahaba pa ang buhok sa akin.
India - Asawa ni Indio. 'Di tumataba kahit na ilan gatang kanin ang kainin.
Jujay - Nagiisang anak ni Indio at India. Malakas kumain - lalo na pag pagod.
Butiki - Kapatid ni India.
Ina Magenta - Tiyahin ko
Bossing - Pinsan ko
Malapit sa buhay:
Pavarotti- Pangalawang ama namin ni Kulas.
Mata-Hari- Pangalawang ina namin ni Kulas.
Big Bertha- Panganay ni Pavarotti at Mata Hari. Malaking babae.
Shrek- Lalaking anank ni Pavarotti at Mata Hari. Malaking lalake.
Littl Lotta - Bunsong anak ni Pavarotti at Mata Hari. Medyo malaking babae.
Tonka - Anak ni Big Bertha. Malaking bulas.
Kaibigan:
Batibot
Bulak
George
Juan
Sluggo
Tangkad
Tweedledee
Tweedledum
Wanbol - kahit sino, basta masarap tirisin, nakakainis, panggulo sa buhay, walang kwentang kausap, bobita, bobito, parang panapon sa Mah-jong.
** Balik-balikan ninyo itong page na ito dahil mukhang hahaba pa ang listahan.

First Impression
Kulasa : Kulas, halika dito. Tignan mo yung blog ko!
Kulas : Hmmmm. [sabay suot ng salamin]
Kulasa : OK ba?
Kulas : Ok naman. Eh bakit yung ibang blog may mga picture, may mga nakalagay sa tabing iba-iba.
Kulasa : Pag-aaralan ko pa. Pero pwede na muna ito.
Kulas : Parang ang liit ng font. Ang hirap basahin.
Kulasa : Kasi mahaba tignan. Pagmarunong na ako iibahin ko yan.
Kulas : Kailan kaya ‘yon?
Kulasa : Ewan. Pero pwede na ‘di ba?
Kulas : Sige, pagpatuloy mo ‘yan.
Kulasa : ‘Di nga, ok ba? Ano?
Kulas : OK nga!
Bilib talaga ako sa patience ni Kulas sa akin. May kakulitan kasi ako. Madalas madaldal, matanong. Minsan tamad, minsan masipag. Although sometimes I get to his newves and he really gets exasperated, thus his favorite expression – “Sya-sya”.
Ha! Nakapag-post din ako! Pero, mahirap palang magpaganda ng blog.
Anek-anek lang
Mga Hilig:
Magluto:
Mahilig akong magluto.
Mahusay at masarap naman daw akong magluto (ayon sa akin mga kaibigan).
Gusto kong kainin ang mga lutong Italian at Spanish.
Hoarder ako ng cookbooks.
Hindi ako marunong magluto ng Adobo (pero malapit ko na itong matutunan)
Magbasa
Gustong-gusto ko ang mga aklat na makapal at maliliit ang sulat.
Type kong basahin ang mga mysteries, suspense, at thrillers.
Hoarder ako ng ebooks.
Mamasyal
Gusto ko sa tabing dagat, lalo na kapag dapit hapon.
Mga lugar na may kasaysayan - mas luma, mas maganda.
Pumunta sa mga fiesta.
Maglakbay sa mga hindi pa napupuntahan.
Ayoko sa mga mall.
Palakasan
Maglaro ng volleyball
Maglaro ng badminton
Maglaro ng bowling
Tumakdo
Magbisikleta
Mag mah-jong
Ayoko ng chess.
Ibang Hilig:
Manood ng mga cooking shows.
Makinig nga mga 80's na kanta kung saan napapaindak ka.
Mag surf sa internet.
Mga hindi ko gusto:
Ayaw ko ng mga maaanghang na pagkain.
Hindi ako mahilig manoon ng sine sa sinehan.
Ayaw ko ng tugtog na parang inggay lang ang dating.
Hindi ko type magbasa ng mga kwento kung saan bida ay vampira, lobo, o ano man laman lupa.
Takot ako sa manok at ibon - kaya di ko sila nilalapitan.
Marami pa sana akong isusulat, pero tama na muna ito.
Magbasa nalang kayo ng unti-unti ninyo akong makilala.
Ako si Kulasa.
Babae.
Pinay.

Sino ba si Kulasa?
Kulasa : Kulas, tulungan mo naman ako dito.
Kulas : Saan?
Kulasa : Dito sa blog ko. Kasi dapat may description ka tungkol sa sarili mo.
Kulas : Kailangan pa ba yon?
Kulasa : Oo.
Kulas : Napaka-arte naman ‘nyan!
Kulasa : Sige na…. [sabay pa-beautifl eyes effect]
Kulas : ‘Sya-sya [favorite expression ni Kulas ‘pag naiinis na sa akin]
Kulasa : Game. Ask ka ng question tungkol sa akin. Tapos pipiliin ko yung ilalagay ko sa blog.
Kulas : Anong itatawag mo sa blog mo?
Kulasa : Kuwento ni Kulasa.
Kulas : Ano?!!!
Kulasa : Kuwento ni Kulasa.
Kulas : Kulasa? Ano naman kabaduyan yan!
Kulasa : Basta, ok na ‘to. Alias ko yan.
Kulas : Eh bakit ka susulat ng gumagamit ng alias?
Kulasa : Para medyo nakaka-intrigue, mysterious, para di nakakhiya.
Kulas : Intriguing? Ano ka artista?
Kulasa : Hmmmp. Basta, yung lang naisip ko.
Kulas : Ano naman ang laman ng iyong blog?
Kulasa : Wala, kung ano-ano, mga kwentong nangyari sa buhay ko, mga latest sa buhay natin, mga chika, ek-ek. Halo-halo.
Kulas : Nyeta ka! Pati buhay natin i-pu-publish mo?
Kulasa : Di naman lahat ilalalad ko sa buong mundo ano?
Kulas : Sya-sya. Tama na nga [sabay tayo ni Kulas].
Kulasa : Teka, di pa tapos. Tanong ka pa.
Kulas : Bakit mo naiisipan mag-blog.
Kulasa : Wala lang, gusto ko lang mag-try.
Kulas : Bakit gusto mo mag-try?
Kualsa : Wala lang, kasi ang dami kong nababasa na ibang blog na nakakatuwa. Kaya gusto kong matuto na mag-blog.
Kulas : Bakit mo gustong matuto?
Kulasa : Ano ba naman klaseng question yan?
Kulas : Eh, puro – wala lang, wala lang. Anong klaseng sagot ‘yon.
Kulasa : Eh wala akong maisip na magandang sagot!
Kulas : Wala ka palang isasagot, wag ka na maglagay ng description.
Kulasa : Ehhhhhhhh. Ask ka nalang nga mga likes ko, mga peeves.
Kulas : Anong hilig mo?
Kulasa : Hilig?
Kulas : Hilig! – hilig gawin [pagi-gil sabihin]
Kulasa : Magbasa, magluto, kumain.
Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-crossword, maglaro ng word games.
Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-cross-stich, manood ng TV.
Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-volleyball, mag-darts.
Kulas : Ano pa?
Kulasa : Mag-surf sa net.
Kulas : Ano pa?
Kulasa : Anong ano pa? Ang dami na nyan!
Kulas : Di mo pa kasi sinasabi – mag-yosi, matulog, manood ng tsismis, mang-vetch!
Kulasa : Wag nalang nga! Ako nalang magiisip ng ilalagay ko.
Kulas : Uyyyyy, hot-headed. Not enough vitamins [pakanta-kanta pa 'to!].
Kulasa : Nakakinis ka kasi – Ano pa? Ano pa?
Kulas : Eh, sabi mo magtanong ako!
Kulasa : Iba naman itanong mo!
Kulas : Ano gusto mo maging?
Kulasa : Ano ba naman question yan!?
Kulas : Bakit, question yon ‘di ba?
Kulasa : Eh pang slum book ‘yan. Hindi pang blog!
Kulas : Sira! Ang pang slum book – favorite color, favorite dish, favorite actor.
Kulasa : Ibahin mo.
Kulas : Ilan taon ka na?
Kulasa : Di kasali ‘yan!
Kulas : Bakit? Eh description ng sarili mo gusto mong ilagay ‘di ba?
Kulasa : Eh sa ayokong sabihin kung ilan taon na ko, at tska, bawal ilagay yon!
Kulas : [tatawa-tawa] Ano naman sama noon?
Kulasa : Walang masama, basta ayokong ilagay.
Kulas : Ha ha ha – Tanda!
Kulasa : T*** na mo!
[sabay iwan kay Kulas na nagkakandaiyak sa pag tawa!]